Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 416 total views

Homiliya para sa Ika-24 Linggo ng Karaniwang Panahon, 11 Setyembre 2022, Luk 15:1-32

Naranasan na ba ninyo ang makinig sa ebanghelyo o sa homily ng pari at pakiramdam mo parang tinamaan ka ng Salita ng Diyos? Di ba may kasabihan tayo sa Tagalog, “Bato bato sa langit, ang tamaa’y huwag magagalit.”? Minsan sa isang recollection, binago nang kaunti ni Bishop Ted Bacani ang kasabihang ito: “Bato bato sa langit, ang tamaa’y mabukulan sana.” Panalangin daw iyon ng mga paring may pinatatamaan sa homiliya pero madalas hindi naman umeepekto. Hindi bumubukol.

Kung minsan daw, lalapit pa nga iyung taong pinatatamaan at sasabihin sa pari, “Father, ang galing ng homily ninyo. Ang daming tinamaan!” Hindi niya alam, siya pala ang pinatatamaan. Failure talaga si Father.

Tatlong parables ang narinig natin sa ebanghelyo. Pero sa introduction, sa first two verses, doon mo malalaman na may pinatatamaan pala si Hesus sa tatlong kuwento niya: ang mga eskriba at pariseo. Kasi, nagbububulung-bulungan daw sila dahil nakikisalo si Hesus sa mga tinuturing nilang makasalanan sa lipunan. Kaya ikinuwento niya ang tatlong talinghaga.

Sa tatlong kuwento, may ibinibigay na mathematical problem si Hesus. Isang pastol, meron daw siyang 100 na tupa, nawala ang isa, ilan ang iuuwi niya? E di 99. Ganyan din sa pangalawang kuwento: isang babae, meron daw siyang 10 salaping pilak, nawala ang isa, ilan pa ang natira? E di 9. At sa pangatlong kuwento, may isang ama, may 2 anak siyang lalaki, naligaw ng landas ang 1. Ilan ang natira? E di 1. Ganyan ang mathematics ng tao. Pero iba ang mathematics ng Diyos; ito ang punto ni Hesus.

Sa unang kuwento, importanteng tandaan na ang mga pastol noong mga panahong iyon ay tagapangalaga lamang ng kawan. Hindi sila ang nagmamay-ari sa mga tupa. Kapag pinagkatiwalaan ang isang pastol ng 100 na tupa, hindi siya pwedeng bumalik na 99 lang ang kasama. Kailangan niyang hanapin ang nawawala dahil pananagutan niya ito. Kapag hindi 100 ang iuuwi niya, mawawalan siya ng trabaho. 100 minus 1 equals 0. Hindi basta tatanggapin ng may-ari ang pagkawala ng kahit na isa.

Sa ikalawang kuwento, ang sampung salaping pilak ay nakakabit sa belo ng ikakasal, parang dekorasyon sa palibot ng mukha niya. Pamana ito ng mga naunang henerasyon ng mga babae sa pamilya niya. Kapag nawala ang isang salaping pilak, bungi na ang belo, hindi na ito pwedeng ipamana. Wala nang kuwenta. Ni hindi pwedeng palitan ng bago ang nawawala. 10 minus 1 equals 0.

At sa ikatlong kuwento, ang dalawang anak na lalaki ay parehong mahal ng ama. Hindi lubos ang kaligayahan niya bilang ama, hangga’t hindi bumabalik ang anak niyang naliligaw ng landas, at hindi pa siya napapatawad o natatanggap na muli ng kanyang kapatid.

Noong bata pa ako sa pagkapari, napahiya ako nang lumapit at humingi ng payo ang isang inang hindi mapayapa ang loob dahil sa isa sa apat na anak niya ay naging drug addict. Sinabi ko sa kanya na parang pakunswelo, “At least may tatlo pa kayong mga anak na mababait at responsable.” Sabi ba naman niya sa akin, “Salamat na lang ho. Siguro kaya ganyan kayong magsalita ay dahil wala naman kayong sariling anak. Hindi ninyo alam ang damdamin ng isang magulang.”

Bakit angkop ang mga kuwentong ito sa pyestang Santa Cruz? Dahil ang krus ay tungkol sa mathematics ng Diyos. Hindi niya basta iiwan, o pababayaan o tatanggapin ang pagkawala ng kahit na isa sa mga anak niya. Ewan ko ba kung saan nanggaling ang sobrang pagkatakot natin sa parusa Diyos. Na para bang napakasigasig niya na itapon tayo sa impyerno kapag tayo’y nagkasala o naligaw ng landas.

Ang krus ay tungkol sa Diyos na handang magdusa at mamatay, handang bumaba ng impyerno para atin. Sabi nga niya sa John 14, “Sa bahay ng aking ama ay maraming silid. Maluwag, may lugar para sa lahat.” Hindi totoo na iilan lang ang mga papapasukin niya. Hindi totoo na ang pagibig niya ay para lamang sa mga banal, mabait, at karapat-dapat.

Madali naman talaga ang magmahal ng mga mababait at karapat-dapat. Ang tunay na hamon ay ang magmahal pa rin kahit pag ang minamahal ay pasaway, walang utang na loob o naliligaw ng landas. Dahil siya ay Diyos na lubos kung magmahal, gagawin niya ang lahat ng kailangang gawin upang mailigtas niya ang lahat ng minamahal niya, kahit ipagdusa pa niya. Maraming beses ko nang nasabi sa inyo, ang sinisimbolo ng krus para sa atin ay hindi kamatayan kundi buhay, hindi kasalanan kundi patawad, hindi pagkamuhi kundi pagibig na walang kundisyon, hindi pagdurusa kundi pag-aalay ng buhay bilang pantubos sa minamahal.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 20,825 total views

 20,825 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 35,481 total views

 35,481 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 45,596 total views

 45,596 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 55,173 total views

 55,173 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 75,162 total views

 75,162 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

“IGLESIA SIN FRONTERAS”

 7,131 total views

 7,131 total views (CHURCH WITHOUT BORDERS/ BOUNDARIES) Homily for the 26th Sun in Ordinary Time (B), 29 September 2024, Mark 9:38-43, 45, 47-48 In today’s Gospel, Jesus is telling us something that we may find disturbing. Perhaps as disturbing as the words Pope Francis said when he visited Singapore recently, about other religions as “paths to

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG PAG-IISIP NG DIYOS

 9,261 total views

 9,261 total views Homily for 24th Sun in Ordinary Time, 15 September 2024, Mk 8:27-35 Napagsabihan si Pedro sa ebanghelyo ngayon. Hindi daw ayon sa pag-iisip ng Diyos ang pag-iisip niya kundi ayon sa pag-iisip ng tao. Kung ako si Pedro baka nakasagot ako ng ganito: “with all due respect, Lord, paano akong mag-iisip na katulad

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG KRUS NA SALAMIN

 9,260 total views

 9,260 total views Homiliya para sa Novena ng Santa Cruz, Ika-13 ng Setyembre 2024, Lk 6:39-42 Ewan kung narinig na ninyo ang kuwento tungkol sa isang taong mayaman ngunit makasarili. Dahil guwapo siya, matipuno at malusog ang katawan bukod sa successful sa career, mahilig daw siyang tumingin sa salamin para hangaan ang sarili. Minsan isang gabi,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

LAW OF MOTION

 9,262 total views

 9,262 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ika-23 Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Setyembre 2024, Lukas 6:27-38 Ang ebanghelyo natin ngayon ang siya na yatang pinakamahirap na doktrina ng pananampalatayang Kristiyano: MAHALIN ANG KAAWAY. Ito ang tunay na dahilan kung bakit nasasabi natin na MAS RADIKAL ANG MAGMAHAL. Mahirap kasing totohanin. Mas madali ang gumanti,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

OPIUM OF THE PEOPLE

 9,258 total views

 9,258 total views Homily for Wed of the 23rd Wk in OT, 11Sept 2024, Lk 6:20-26 “It’s ok to suffer poverty and humiliation now. Anyway you will enjoy plenty and satisfaction in the hereafter…” Some Christians hold on to this kind of doctrine about a heavenly reward awaiting those who have suffered hell on earth. Is

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAPAPANAHON

 10,130 total views

 10,130 total views Homily for the 23rd Sunday in Ordinary Time, 08 September 2024, Mark 7:31-37 Isang kasabihan sa Bibliya, ang chapter 3 ng Ecclesiastes ang pagkukuhanan natin ng inspirasyon para sa ating pagninilay sa ebanghelyo ngayon. “May tamang panahon para sa lahat ng bagay, panahon para sa bawat gawain sa mundong ibabaw…May panahon daw para

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PANININDIGAN

 12,332 total views

 12,332 total views Homiliya para sa Ika-21 Linggo ng Karaniwang Panahon, 25 Agosto 2024, Juan 6: 60-69 Sa Misang ito ng ating Paggunita kay Santa Clara ng Assisi pagninilayan ang pagiging huwaran niya sa SAMA-SAMANG PAGLALAKBAY TUNGO SA KAGANAPAN NG BUHAY. Isa siya sa mga unang nagpahayag ng suporta kay Saint Francis nang talikuran nito ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKITA KITA

 12,365 total views

 12,365 total views Homiliya para sa Kapistahan ni San Bartolome, 24 Agosto 2024, Jn 1:45–51 “Bago ka tinawag ni Felipe NAKITA KITA sa ilalim ng puno ng igos.” Iyun lang ang sinabi ni Hesus. Hanggang ngayon hinuhulaan pa ng mga Bible scholars kung bakit napakatindi ng epekto ng sinabing iyon ni Hesus kay Nataniel o Bartolome.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

DAMAY-DAMAY

 13,719 total views

 13,719 total views Homily for the Feast of the Queenship of Mary, 22 August 2024, Lk 1,26-38 Isa sa paborito kong kanta sa blockbuster comedy film “Sister Act” ni Whoopi Goldberg ay ang “Hail Holy Queen Enthroned Above”. Hindi alam ng marami na ang kantang iyon ay isa sa pinakamatandang panalangin tungkol kay Mama Mary. Kilala

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BAON SA BIYAHE

 14,815 total views

 14,815 total views Homily for the 20th Sunday in Ordinary Time, 18 August 2024, John 6: 51-58 Sa ating mga Katoliko, ang huling basbas sa mga malapit nang pumanaw ay hindi lamang sinasamahan ng kumpisal at pagpapahid ng langis. Kapag kaya pa ng maysakit, binibigyan siya ng komunyon at ang tawag dito sa wikang Latin ay

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MALASAKIT

 19,023 total views

 19,023 total views Homiliya sa Pyestang San Roque, 16 Agosto 2924, Mateo 25: 31-40 Isang art work ang tumawag-pansin sa akin minsan. Gawa ito sa brass o tanso, hugis-taong nakaupo sa isang park bench, dinadaan-daanan ng mga tao. Minsan tinatabihan siya ng mga gustong magselfie kasama siya. Malungkot ang dating ng sculpture na ito—anyo ng isang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PAGKAIN NG BUHAY

 14,742 total views

 14,742 total views Homily for the 19th Sunday in Ordinary Time, 11 August 2024, John 6:41-51 Kung minsan, may mga taong ayaw kumain, hindi dahil hindi sila nagugutom o wala silang ganang kumain kundi dahil wala na silang ganang mabuhay. Ganito ang sitwasyon ng propeta sa ating unang pagbasa ngayon. Nawalan na ng ganang mabuhay si

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

HANAPBUHAY

 16,111 total views

 16,111 total views Homiliya para sa ika-18 Linggo ng Karaniwang Panahon, 4 Agosto 2024, Juan 6:24-35 Sa Tagalog, “hanapbuhay” ang tawag natin sa trabahong pinagkakakitaan ng pera. Pero kung pera pala ang hinahanap, bakit hindi na lang tinawag na “hanap-pera” ang trabaho? Narinig ko ang sagot sa isang kargador sa palengke. Kaya daw hanapbuhay ang tawag

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MISSIONARY

 16,373 total views

 16,373 total views Homily for the Ordination of Hien Van Do, MJ and Dao Minh Pham MJ to the Presbyteral Ministry, 03 August 2024, Jn 15:9-17 87 MJ is your nomenclature for your identity as consecrated persons. Missionaries of Jesus. Let me share some thoughts on what, basically it means to be Missionaries of Jesus. It

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKATATANDA

 25,066 total views

 25,066 total views Homiliya para sa World Day for Grandparents, 27 Hulyo 2024, Ika-17 Linggo ng Karaniwang Panahon, Juan 6:1-15 Ipinagdiriwang natin ngayon ang World Day for Grandparents and the Elderly. Ano sa Tagalog ang ELDERLY? NAKATATANDA. Kaya nagtataka ako kung bakit ina-associate ang pagiging matanda sa pagiging ulyanin o makakalimutin, gayong eksaktong kabaligtaran ang ibig

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top