646 total views
Isinasabuhay ng Laudato Si Consumer’s Cooperative ang mga katuruang panlipunan ng simbahan.
Ito ang tiniyak ni Armando Seguis – Chairperson ng kooperatiba sa pagsusulong ng adbokasiya na may pangangalaga sa kalikasan higit na sa kabuhayan ng mga miyembro.
Ayon kay Seguis, mahigit 200-miyembro ang kasapi ng kooperatiba na pawang mga church workers at volunteers mula sa Archdiocese of Manila, Diocese of Cubao at Antipolo.
“It is and independent body under tayo ng CDA pero nakikipag-ugnayan sa ating obispo kay Bishop Honesto at sa ibang kaparian ng sa ganoon ay mayroon palaging ugnayan ang ating kooperatiba at hindi tayo lalabas doon sa pangarap ng bawat parokya,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Seguis.
Tampok rin sa Laudato Si Consumers Cooperative ang mga oraganikong produkto na gawa ng mga miyembro ng kooperatiba na maaring mabili sa kanilang mga tanggapan o online stores.
“Ako ay nakabase dito sa Diocesan Shrine of Jesus the Divine Word dito sa SVD dito lang sa Quezon City, at yung gustong sumali kasi yung ating adhikain ay maabot natin yung bawat isa ng sa ganon ay matulungan natin ng magandang buhay pwede po nila akong kontakin sa 09277250026 or sa ating Facebook nakalagay doon ‘Armando Seguis’,”paanyaya ni Seguis
Sa paggunita ng International Day of Cooperatives Day noong Hulyo ay kinilala ni Father Anton CT Pascual – Caritas Manila Executive Director at Radio Veritas President ang kahalagahan ng mga kooperatiba sa lipunan.
Ayon sa Pari, mula sa pinagsama-samang yaman ng mga miyembro ng isang kooperatiba na pinapahiram, pinapaikot at pinapalago ay nagkaroon ng pagkakataon ang bawat isa na makapagtayo ng sariling negosyo o makapamuhay ng maayos.