494 total views
Pinagtibay ng liderato ng Mababang Kapulungan ang resolusyon na nagbibigay pagkilala sa mga tatanggap ng parangal bilang Outstanding Filipinos of 2022 awards ng MetroBank Foundation.
Tema ng pagkilala ang Beyond Excellence kung saan kabilang sa pararangalan ang apat na guro; tatlong pulis at tatlong sundalo sa nationwide search na inilunsad noong nakalipas na taon.
Sa resolusyon ni House Speaker Martin Romualdez, ang pagkilala sa 10-huwarang mga Filipino ay dahil sa kanilang mahusay na paglilingkod sa bayan bilang tagapag-turo, tagapamayapa at tagapagtanggol ng bayan.
Kinilala ang mga tatanggap ng parangal ang mga gurong sina Junmerth C. Jorta ng San Fernando, Bukidnon; Christine Joy D.R. Aguila, Ph.D. ng Philippine Science High School–Main Campus, Quezon City); Prof. Leonila F. Dans, M.D., M.Sc. ng College of Medicine, University of the Philippines at Mark Nolan P. Confesor, Ph.D. ng Mindanao State University – Iligan Institute of Technology, Iligan City).
Mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) Police Executive Master Sergeant Rogelio A. Rodriguez Jr. (Investigator, Anti-Fraud and Commercial Crimes Unit, CIDG, Camp); BGen. Rafael T. Crame, Quezon City), Police Captain Rosalino E. Panlaqui (Chief of Police, Jalajala Municipal Police Station, Jalajala, Rizal), at Police Colonel Lambert A. Suerte (Battalion Commander, Regional Mobile Force Battalion –NCRPO, Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City).
Gayundin, ang mula sa Armed Forces of the Philippines na sina Technical Sergeant Joel L. Tuganan Pa (First Sergeant, Delta Company, 33rd Infantry Battalion, 6th Infantry Division, Radja Buayan, Maguindanao); Colonel Maria Victoria P. Juan NC (Army Chief Nurse, Office of the Army Chief Nurse, Fort Bonifacio, Taguig City), at Colonel Stephen L. Cabanlet PN(M) (Assistant Chief of Unified Command Staff for Operations, U3, Western Command, Camp Gen. Artemio Ricarte, Puerto Princesa City).
Ang taunang Metrobank Foundation Outstanding Filipinos ay pagkilala sa 10-Filipino public servants na nagpakita ng kabayanihan, kahusayan at dedikasyon sa kanilang trabaho bilang mga lingkod ng bayan.