Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mamamayan, muling hinikayat ng CBCP na magpa-booster shot

SHARE THE TRUTH

 377 total views

Muling hinikayat ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Health Care ang publiko na magpa-booster shot bilang karagdagang proteksyon laban sa coronavirus disease.

Kasunod ito ng pahintulot ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na boluntaryo na lamang ang pagsusuot ng face mask sa mga open area at mga lugar na may sapat na daluyan ng hangin.

Ayon kay Fr. Dan Cancino, MI, executive secretary ng komisyon na bagamat kusang-loob na lamang ang paggamit ng face mask, hindi pa rin dapat makampante ang publiko dahil nananatili pa ring banta ang COVID-19 sa lipunan.

“Hindi pa tapos ang laban ng COVID-19. May mga kaso pa rin tayo, at ang mga kasong ito ay libo pa rin araw-araw… Sana huwag nating kalimutan na kahit na bumabalik na tayo pakonti-konti doon sa “normal” na kalalagayan ng buhay, dapat panatilihin pa rin nating proteksyunan ang ating sarili at lalong lalo na, magbigay ng proteksyon sa ibang tao,” pahayag ni Fr. Cancino sa panayam ng Radio Veritas.

Batid ng opisyal ng CBCP na marami pa ring tumatangging kumuha ng COVID-19 vaccine dahil sa pangambang lalong mahawaan ng virus.

Paliwanag ni Fr. Cancino, napatunayan nang mabisa ang epekto ng bakuna at marami na ring nailigtas mula sa pagkakaroon ng malalang sintomas ng sakit.

Dagdag pa ng pari na ito’y pagtugon na rin sa panawagan ng Kanyang Kabanalang Francisco sa pagmamalasakit upang tuluyan nang malunasan ang umiiral na pandemya.

“Sa mga hindi pa po nagpapabooster shot, lalong lalo na sa mga talagang nangangailangan, mag-avail po talaga tayo nito. Ito ang ating ambag sa pandaigdigang tawag ng ating Santo Papa na ang pagpapabakuna ay isang aksyon ng pag-ibig at pagmamahal,” panawagan ni Fr. Cancino.

Samantala, kaakibat ng bagong panuntunan sa paggamit ng face mask ay mananatili pa ring ipatutupad ang pagsusuot nito sa health facilities, pribado at pampublikong establisimyento at mga pampublikong transportasyon.

Hinihikayat din ang pagsusuot ng face mask sa mga may karamdaman at matatanda na madaling mahawaan ng iba’t ibang uri ng karamdaman.

Sa huling ulat ng Department of Health, nasa higit 25,000 ang kasalukuyang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa kung saan nananatili ang National Capital Region sa pinakamataas na nakakapagtala ng aktibong kaso na ngayo’y umabot sa halos 9,000.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 52,624 total views

 52,624 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 67,280 total views

 67,280 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 77,395 total views

 77,395 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 86,972 total views

 86,972 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 106,961 total views

 106,961 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest News
Michael Añonuevo

Makialam sa krisis pulitika, apela ng LAIKO sa mamamayan

 149 total views

 149 total views Hinimok ng implementing arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on the Laity ang sambayanang Pilipino na makialam at kumilos sa gitna ng kasalukuyang krisis sa pulitika ng bansa. Ayon sa Sangguniang Laiko ng Pilipinas (LAIKO), ang lumalalang tensyong dulot ng akusasyon, pagbabanta, at personal na alitan sa pagitan

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Diocese of Imus, nakikiisa sa Red Wednesday

 427 total views

 427 total views Makikiisa ang Diocese of Imus sa taunang paggunita ng Red Wednesday bilang bahagi ng pananalangin at pagsuporta sa mga Kristiyanong nakakaranas ng karahasan at pang-uusig dahil sa kanilang pananampalataya. Sa liham-sirkular, hinihikayat ni Imus Bishop Reynaldo Evangelista ang mga parokya, paaralan, institusyon, at pamayanan na makibahagi sa pagdiriwang ng Misa ng Pagsamo para

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Plastic treaty, panawagan ng LRC

 582 total views

 582 total views Iginiit ng Legal Rights and Natural Resources Center (LRC) na mahalaga ang pagkakaroon ng bagong plastic treaty upang matugunan ang patuloy na suliranin ng plastic pollution sa buong mundo. Ayon kay Atty. Mai Taqueban, ang executive director ng LRC, ang kakulangan ng ganitong uri ng kasunduan ay maaaring magdulot ng patuloy na pinsala

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Panukalang NCQG sa COP29, tinututulan

 1,031 total views

 1,031 total views Hinikayat ng civil society groups ang pamahalaan ng Pilipinas at iba pang mga developing country mula sa Global South na tanggihan ang mapanganib na kasunduan sa climate finance. Kaugnay ito ng naging talakayan sa 29th United Nations Climate Change Conference of Parties (COP29) Summit na ginanap sa Baku, Azerbaijan, hinggil sa panukalang New

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Jamie Rivera at Vehnee Saturno, judge sa kauna-unahang Radio Veritas Himig ng Katotohanan Liturgical Song Writing Contest

 3,106 total views

 3,106 total views Isasagawa kasabay ng Kapistahan ni Santa Cecilia, patron ng musika at mga musikero, ang pagtatanghal at pagpaparangal sa finalists ng kauna-unahang Himig ng Katotohanan liturgical song writing contest ng Radio Veritas 846. Gaganapin ito sa Blessed Pier Giorgio Frassati, O.P Building Auditorium ng University of Santo Tomas sa Biyernes, November 22, 2024 mula

Read More »
Economics
Michael Añonuevo

Ipanalangin ang mga kristiyano na dumaranas ng pag-uusig, paalala ni Bishop Santos

 3,718 total views

 3,718 total views Ipanalangin ang mga kristiyano na dumaranas ng pag-uusig, paalala ni Bishop Santos Hinikayat ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang mga mananampalataya na alalahanin at ipanalangin ang mga Kristiyano sa iba’t ibang panig ng mundo na nakakaranas ng pang-uusig at pagdurusa. Ito ang panawagan ni Bishop Santos, na siya ring Episcopal Coordinator for Asia

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Diocese of Bayombong, humiling ng saklolo

 3,942 total views

 3,942 total views Umaapela ng tulong at panalangin ang Diyosesis ng Bayombong matapos manalasa ang Bagyong Pepito sa mga lalawigan ng Nueva Vizcaya at Quirino. Ayon kay Bishop Jose Elmer Mangalinao, hindi pa ganap na nakakabangon ang dalawang lalawigan mula sa mga nagdaang kalamidad sa nakalipas na mga linggo, ngunit muling naranasan ang malawakang pinsala dulot

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Caritas Philippines, nanawagan ng tulong

 4,421 total views

 4,421 total views Nananawagan ng tulong at suporta ang social at humanitarian arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines para sa mga diyosesis na labis na naapektuhan ng Super Typhoon Pepito. Ayon kay Caritas Philippines executive director, Fr. Tito Caluag, mahalaga ang sama-samang pagtutulungan upang maibsan ang mga pasanin ng milyon-milyong pamilyang nasalanta, hindi lamang

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Nasa mga lider ang problema ng bansa-Bishop Alminaza

 4,503 total views

 4,503 total views Binigyang-diin ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang pangangailangan ng bansa para sa mahusay na pamumuno at pagsusulong ng pananagutan upang mapangalagaan ang kapakanan ng sambayanang Pilipino. Ayon kay Caritas Philippines vice president, San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, ang patuloy na suliranin ng bansa ay nakaugat sa hindi mabuwag na

Read More »
Disaster News
Michael Añonuevo

Caritas Philippines, nakahanda sa pananalasa ng bagyong Pepito

 5,161 total views

 5,161 total views Nakahanda na ang social at humanitarian arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines para sa posibleng epekto ng binabantayang Super Typhoon Pepito. Pinaalalahanan ni Caritas Philippines president, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, ang lahat na isaalang-alang ang kaligtasan ng sarili at mga mahal sa buhay, at maging handa sa mga magiging epekto

Read More »
Disaster News
Michael Añonuevo

Lahat ng simbahan sa Bicol region, binuksan sa evacuees

 5,207 total views

 5,207 total views Binuksan na ng mga diyosesis sa Bicol Region ang mga simbahan bilang pansamantalang matutuluyan ng mga magsisilikas dahil sa banta ng Super Typhoon Pepito. Simula pa kahapon, nag-anunsyo na ang mga parokya mula sa Archdiocese of Caceres at Diocese of Libmanan (Camarines Sur), Diocese of Daet (Camarines Norte), Diocese of Virac (Catanduanes), Diocese

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Obispo, ipinag-utos na buksan ang lahat ng simbahan sa Sorsogon sa evacuees

 5,357 total views

 5,357 total views Obispo, ipinag-utos na buksan ang lahat ng simbahan sa Sorsogon sa evacuees Ipinag-utos ni Sorsogon Bishop Jose Alan Dialogo na buksan ang lahat ng mga simbahan sa diyosesis bilang pansamantalang matutuluyan ng mga magsisilikas dulot ng banta ng Typhoon Pepito. Ayon kay Caritas Sorsogon executive director, Fr. Ruel Lasay, layunin nitong matiyak ang

Read More »
Disaster News
Michael Añonuevo

Panalangin ng Pag-asa at katatagan sa gitna ng unos

 5,470 total views

 5,470 total views Hinihiling ni Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao na higit pang lumalim ang pananampalataya at pag-asa ng sambayanang Pilipino sa pagharap sa hamong dala ng mga sakuna. Dalangin ni Bishop Mangalinao ang katatagan at kaligtasan ng lahat upang makabangon muli sa mga nararanasang pagsubok, at patuloy na magtiwala sa kalooban ng Diyos na Siyang

Read More »
Disaster News
Michael Añonuevo

Prayer for protection against typhoon, inilabas ni Bishop Santos

 5,543 total views

 5,543 total views Ipinapanalangin ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang patuloy na kaligtasan ng bansa mula sa banta ng Super Typhoon. Ayon kay Bishop Santos, nawa’y ipadama ng Panginoon ang Kanyang mapagkalingang yakap upang maligtas ang bansa sa mapaminsalang epekto ng mga sakuna. Dalangin din ng obispo ang katatagan at karunungan ng mga lider ng bansa

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Ugaliing maging handa sa anumang unos, paalala ng Obispo sa mamamayan

 5,793 total views

 5,793 total views nihayag ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang kahalagahan ng pagtitiwala sa Diyos sa gitna ng mga unos at pagsubok na kinakaharap. Ito ang paalala ni Bishop Santos, na siya ring kura paroko ng International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage o Antipolo Cathedral, habang patuloy na hinaharap ng bansa ang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top