945 total views
Ilulunsad ng Caritas Et Labora ang lingguhang pagtalakay sa kahalagahan ng Kooperatiba sa bawat miyembre bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Cooperative Month sa susunod na buwan.
Ayon kay Marla Hermosura-General Manager at officer in Charge ng Et Labora, layunin ng programa ang higit pang maipaunawa sa bawat miyembro ang konsepto ng kooperatiba at bawat kasapi bilang mga kamay-ari.
“Isa sa layunin ng kooperatiba, organisasyon na mabigyan ng mas malalim na kaalaman ang aming mga manggagawa, kaya naman maglo-launch kami ng discussion through our fb page or fb account tuwing Biyernes sa Oktubre,” bahagi ng panayam ng Radio Veritas kay Hermosura.
Ang Caritas Et Labora ay ang kooperatibang sangay ng Caritas Manila na mayroon 1,200 manggagawang mga miyembro ng mula sa Cavite, Metro Manila, Cavite at Batangas.
“At isa rin sa mga gagawin namin yung pagpapalaki ng aming puhunan sa pamamagitan ng pag-propromote ng addittional shares coming from the member kasi isa ito sa mahahalagang factors na kailangan nating gawin sa kooperatiba,” ayon pa kay Hermosura.
Sa Pilipinas ay ginugunita ang National Cooperative month tuwing buwan ng Oktubre habang sa buong daigdig naman ay ginugunita ang International Day of Cooperative tuwing ikalawa ng Hulyo.
Sa nakalipas na International Day of Cooperative noong Hulyo ay naging mensahe ni Father Anton CT Pascual – Caritas Manila Executive Director at Radio Veritas President na nagsisilbing paraan ang kooperatiba upang sama-samang umunlad ng miyembro at makapamuhay ng may dignidad.