31,325 total views
Anim-na raang pamilya mula sa Baseco, Tondo Manila ang nakikinabang sa itinayong Material Recovery Facility ng Caritas Manila sa pakikipagtulungan ng Coca-Cola Foundation.
Ayon kay Bonna Bello- implementing program coordinator ng Caritas Manila sa BASECO bilang bahagi ng mga gawain ng social arm ng Archdiocese of Manila para sa mga mahihirap.
Sinabi ni Bello na itinayo ang MRF na naglalayong magbigay ng kabuhayan sa mga residente lalo na sa mga kababaihan, sa pamamagitan ng pagtitipon at pagpili ng mga basurang maari pang pakinabangan at maibenta.
Ayon kay Bello, bukod sa napagkakakitaan ay nakakatulong din ang proyekto na mabawasan ang mga basurang itinatapon sa mga dump site.
“Nakakatuwa po bagamat basura lang ito pero sobrang laking tulong. Hindi namin inasahan na ganito ang magiging tagumpay ng programa kaya nagpapasalamat ako sa lahat sa ‘sponsors’ ng programa, sobrang laking tulong po nito sa komunidad ng Baseco at sa mga beneficiaries,” ayon kay ni Bello sa panayam ng programang Caritas in Action sa Radio Veritas.
Sinabi din ni Bello na malaki ang suliranin ng kanilang komunidad sa basura lalo na’t marami pa rin ang hindi nagpapatupad ng waste segregation, kaya’t nakatulong ang MRF na maitaas ang antas ng kamalayan ng mga residente sa waste management.
Sa Republic Act 9003-mandato ng mga lokal na pamahalaan na magtayo ng Material Recovery Facility upang makatulong na mabawasan ang mga basura.
Batay sa datos, 13-libong pamilya ang naninirahan sa BASECO Maynila na ang malaking bilang ng populasyon ay maituturing na mahihirap.