355 total views
Umaasa ang Obispo ng Mindanao na ipagdiwang ng tao tama at naaayon sa kagustuhan ng Diyos ang selebrasyon ng Pasko ngayong taong 2016.
Hinimok ni Malaybalay Bishop Jose Cabantan ang lahat na ipahayag sa Diyos ang kahalagahan ng selebrasyon ng Pasko sa pamamagitan ng paggalang sa dignidad ng tao.
Umaasa si Bishop Cabantan na mahinto na ang extra-judicial killings maging ang abortion sa selebrasyon ng kapanganakan ni Hesus na tumubos sa kasalanan ng sangkatauhan.
Sinabi ng Obispo na ang pagdiriwang ng Pasko ay isang paalala sa mga mananampalataya kung gaano kamahal ng Diyos ang tao sa pagpadala niya sa lupa ng kanyang bugtong na anak kaya dapat din nating mahalin ang ating kapwa.
“Labis ang pagmamahal ng Dios sa atin na kahit tayo ay nagkasala ay pinadala niya ang kanyang bugtong na anak para sa ating kaligtasan. Sana ngayong Pasko ng pagkatao niya tayo ay mahalin din natin siya at ibalik natin ang paggalang sa dignidad ng bawat tao including those who have transgressed us and society. Bilang pagmamahal natin sa Dios at sa kapwa sana mahinto na rin ang patayan na marinig natin araw-araw including the unborn.” panawagan ni Bishop Cabantan.
Sa pinakahuling datos ng Philippine National Police, umaabot na sa 4 na libo ang napatay sa drug buy bust operation.
Nabatid naman ng Veritas research na mula noong 2012 sa kabila ng pagiging illegal ng abortion sa Pilipnas ay mayroon pa ring 610-libong kababaihan ang nagsasagwa nito.