733 total views
Mararanasan sa mga susunod na buwan hanggang taong 2023 ang pagbuti ng ekonomiya ng Pilipinas.
Hinihikayat ni Astro Del Castillo, senior economic advisor ng Radio Veritas at Managing Director ng First Grade financing Corporation ang mga Pilipino na magkaroon ng positibong pananaw sa ekonomiya.
Sinabi ni Del Castillo na unti-unti ng nagbubukas ang ekonomiya sa kabila ng paghina ng Piso kontra U.S Dollars.
“Nararanasan ng karamihan na ekonomiya, sa North America, Sa Australia, sa Europa, sa Asya kaya kailangan paghandaan natin ito, Mararanasan natin ito habang unti-unting nagbubukas ang ekonomiya kaya yung atin mga kababayan ay huwag umasa sa gobyerno, kailangan sila ay ibukas ang kaisipan sa oportunidad”, ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Del Castillo.
Ipinaliwanag ni Del Castillo na ang pagtaas ng halaga ng dolyar ng Estados Unidos ay paraan ng nasabing bansa upang mabalanse ang sariling ekonomiya.
Nanawagan naman si Del Castillo sa mamamayan na magkaroon ng sariling inisyatibo upang makasabay sa mga pagbabago sa ekonomiya.
“Humihina ang karamihan ng mga salapi lalo na ang piso dito sa atin ang magandang balita lang dito, hindi tayo bagsak na bagsak, hindi naman mahinang-mahina compared to the other currencies at naniniwala naman kami na kahit may gantong pagsubok ay medyo sa pagbukas ng ekonomiya ay medyo mas tuloy-tuloy ang pag-angat ng ekonomiya natin,” pahayag sa Radio Veritas ni Del Castillo
Sa tala ng Philippine Statistics Authority, ay bagamat bumaba sa 6.3% ang inflation rate noong Agosto kumpara sa 6.4% noong Hulyo.
Nakasaad naman sa katuruan ng simbahang katolika ang pagsasaalang alang sa kapakanan ng mga mahihirap sa paglikha ng mga desisyon na tataasan ang presyo ng mga bilihin at serbisyo.