703 total views
Inilabas ng Vatican ang tema ng 57th World Day of Social Communications 2023.
Ayon sa pahayag ng Holy See Press Office, napili ni Pope Francis ang temang ‘Speak with the heart: Veritatem facientes in caritate (Eph 4:15)’ na karugtong sa ‘Listen with the ear of the heart’ na tema ng pagdiriwang ngayong taon.
Paliwanag ng Vatican ito ay nakabatay pa rin sa paghahanda ng simbahan sa isasagawang Synod sa October 2023 kung saan inaasahan ang pagtitipon ng mga obispo sa Roma.
“Speaking with the heart means giving “a reason for your hope” and doing so gently, using the gift of communication as a bridge and not as a wall. In a time characterized – also in ecclesial life – by polarization and heated debates that exacerbate tempers, we are invited to go against the grain,” bahagi ng pahayag Vatican.
Iginiit ng Santo Papa na dapat matutuhan ng mananampalataya na manindigan sa katotohanang nakabatay sa ebanghelyo ng Panginoon.
Binigyang diin ni Pope Francis na sa kasalukuyang karanasan tulad ng mga digmaan sa iba’t bang lugar dulot ng alitan at hindi pag-uunawaan mahalagang isulong ang non-hostile communication.
“A communication open to dialogue with the other, that fosters “integral disarmament”, that strives to dismantle the “psychosis of war” that lurks in our hearts, as Saint John XXIII prophetically exhorted sixty years ago in Pacem in Terris. It is an effort that is required of everyone, but in particular of communication workers called upon to exercise their profession as a mission for building a more just, more fraternal and more human future,” giit ni Pope Francis.
Naunang nanawagan ng dayalogo ang Santo Papa sa mga bansang may kaguluhan tulad ng Ukraine, Russia, Nicaragua, Myanmar, Yemen at iba pa na paigtingin ang pakikipag-usap upang makamtan ang pagkakaisa at kapayapaan sa lipunan na kapaki-pakinabang sa mamamaayan.
Unang isinagawa ng simbahan ang paggunita ng World Communications Day noong 1967 sa pangunguna ni Pope St. Paul VI.