1,967 total views
Umaasa ang CBCP Episcopal Commission on Prison and Pastoral Care na bigyan ng Pangulong Rodrigo Duterte ng “executive clemency” ang mga bilanggong mahigit 15-taon ng nakulong.
Ito ang panalangin ni Rudy Diamante, executive secretary ng komisyun sa selebrasyon ng jubilee for prisoners noong ika-6 ng Nobyembre 2016.
Umaasa si Diamante na mabigyan ng executive clemency ang mga matatandang bilanggo, mga maysakit at wala nang dumadalaw sa kanilang mga selda.
Hiniling din ni Diamante na maimprove ang mga pasilidad ng mga kulungan.
Kasabay nito ang apila ni Diamante na mahinto na ang mga pagpatay sa bansa at hindi maisabatas ang parusang kamatayan.
“Please pray for the well-being of the members of the prison community– the Prisoners, the Victims & their families; the correctional employees; the Jail & prison chaplains; the volunteers in prison service & the CBCP-ECPPC Bishops & Staff,” pahayag ni Diamante.
Muling nanawagan ang CBCP-ECPPC sa mga mambabatas na pangunahan ang criminal justice summit upang mareporma ang justice system ng Pilipinas.
“Let us pray that the President will grant Executive clemency to those who have served more than 15 years & above especially the VISO– Visitorless Indigent Sick & Old prisoners…not to restore capital punishment and stop the killings going on in the country… We urged our policy and lawmakers to hold a Criminal Justice Summit to address the much needed reforms in the justice system,”panawagan ni Diamante.
Sa kasalukuyan, overcrowded ang lahat piitan sa bansa tulad na lamang ng Quezon City jail na dapat 200 lamang na bilanggo ang kapasidad ngunit umaabot sa 4,053 mga preso dito.