421 total views
Pinangunahan ng University of Santo Tomas (UST) College of Science ang Philippine launch ng 2022 International Year of Basic Science for Sustainable Development (IYSSBD).
Katuwang ang National Research Council of the Philippines (NRCP) Department of Science and Technology at iba pang unibersidad ay sinimulan sa Pilipinas ang kampanya ng United Nations Sustanable Development Goals na layunin ang pag-unlad ng bansa, mamamayan o ekonomiya na may pangangalaga sa kalikasan.
“We have reaserches on sustainable communities and now we should also focus on promoting to the general public to make them understand we need to prepare for climate change, malaking bagay ang science,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Dr. Cristine Villagonzalo – Pangulo ng NRCP.
Ayon kay Gonzalo, dapat alalahanin ng bawat isa ang kahalagahan ng ‘Research’ o pagsasaliksik na isinasagawa ng mga dalubhasa sa agham ay nagkakaroon ng solusyon ang mga problemang kinakaharap ng lipunan katulad ng sitwasyon ng COVID-19 Pandemic.
Naging tagapagsalita sina UST College of Science Dean Dr.Rey Donne Mapa, Science and Technology Secretary Renato Solidum at Health and Research and Development Jaime Montoyo, National Scientist Lourdes Cruz, UST Psychology Department Faculty Marc Eric Reyes, University of the Philippines Visayas Political Scientist Professor Dr.Rosalie Alcala-Hall at NRCP Executive Director Dr.Marieta Bañez Sumagaysay.
Mensahe naman ni DOST Secretary Solidum na mahalaga ang pagtutulungan ng mga institusyon sa edukasyon at agham na nagsasagawa ng mga pag-aaral upang matugunan ang pangangailangan ng mamamayan sa pamamagitan ng sustainable development.
“Marami po tayong kinakaharap na problema sa buong mundo tulad ng global warming, alamin natin kung ano ang problema sa restriksyon at pag-angkat ng mga pagkain at tulad po ng harina sa tinapay, tumataas an presyo ng mga langis,” ayon sa paanyaya ni Secretary Solidum na paigtingin ang paggamit sa agham upang malutas ang mga suliranin ng lipunan.
Ang I-Y-S-S-B-D ay ang programang inilunsad matapos himukin ng United Nations Sustainable and Development Goals ang bawat pamahalaan sa buong mundo na lumikha ng mga pamamaraan tungo sa pag-unlad na nakabase sa agham o pag-aaral na may pangangalaga sa kalikasan.