481 total views
Inaanyayahan ng Caritas Manila ang mga Non-Government Organization (NGO) na paigtingin ang kanilang pakikiisa sa simbahan at iba pang faith-based organization upang matulungan ang mga nangangailangan.
Ayon kay Father Anton CT Pascual – Executive Director ng Caritas Manila at Radio Veritas 846 President, ito ay dahil na rin patuloy na kinakaharap ng Pilipinas ang mga suliranin sa ekonomiya.
“Sa ating mga nakikiisa ngayon, ang Caritas Manila po ay nakikipag-network sa ating mga NGO, mga communities at mga kahit na po ibang faith-based na mga organizations upang tayo po ay magtulong-tulong sa panahon ng matitinding krisis.” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Father Pacual.
Inihayag ni Fr.Pascual na sa bisa ng pagtutulungan ay mapapabilis at mapapalawak ang pagtugon sa mamamayang nangangailangan higit na sa oras ng kalamidad.
Ayon kay Father Pascual, napapanahon ang pagtutulungan dahil sa kinakaharap na krisis sa kakulangan ng suplay ng pagkain, enerhiya at kalusagan ng bansa.
“Mga rotary at mga faith-based community, let us strike to work together and build together our resources” kasi let us not. ayon pa sa panayam ng Radio Veritas kay Father Pascual.
Batay sa datos ng Social Arm ng Archdiocese of Manila, katuwang ang mga pribadong kompanya, institusyon at NGO, mahigit na sa 2-bilyong pisong pondo ang nailaan sa pagtugon ng pangangailangan ng mamamayang naapektuhan ng pandemya.
50-milyong piso mula sa 2-bilyong piso ang inilaan ng Caritas Manila sa pagtugon sa pinsalang idinulot ng Bagyong Odette sa mga simbahan at mamamayan noong December 2021.