289 total views
Umapela ang Archdiocese of Palo, Leyte sa pamahalaan lalo na sa National Housing Authority na ilabas na ang natitirang P20 bilyong housing assistance sa halos 200,000 biktima ng Super Typhoon Yolanda tatlong taon na ang nakalilipas.
Ayon kay Palo Archbishop John Du, mahalagang magamit na ang naturang pondo sa pabahay ng mga naapektuhan ng Yolanda noong ika – 8 ng Nobyembre ng 2013.
Aniya, dahil sa mabagal na pagtugon ng nakaraang administrasyon ay marami pa rin sa mga kababayan natin sa Central Visayas ang walang masilungan at ang iba ay nananatili pa rin sa mga temporary shelters na nangangailangan ng disenteng pabahay.
Gayunman, mula sa datos na ibinigay ni DSWD o Department of Social Welfare and Development Sec. Judy Taguiwalo na tinatayang 100, 000 pa mula sa Leyte at Samar habang 81,000 pa sa Panay island ang wala pa ring matirhan dahil ang kanilang mga tahanan ay malapit sa mga danger zones at pinagkakaitan na ponduhan ang kanilang relokasyon ng mga LGUs o local government units ng kanila munisipalidad.
“We can only make an appeal with that because that is really the government funding where they received donations. We just make an appeal na ibigay nila yung allotment for the people who are homeless I know that there are so many people and families who are still homeless, others were staying in a temporary shelters and they really need descent house for them to live. And they were able to persevere that they will be given a life that is really modest enough,” bahagi ng pahayag ni Archbishop Du sa panayam ng Veritas Patrol.
Nauunawaan naman ni Archbishop Du na mahaba ang prosesong pinagdaraanan bago mailabas ang naturang pondo pero kaduda- duda na na tatlong taon na ang nakalilipas ngunit bigo pa rin ang NHA na ipagkaloob ito sa mga apektadong residente.
“We are making appeal for those responsible for the funding especially those in the Housing project that they could release easily. I know that the fund is there but it is just a matter of facilitating the money. Marami pang mga requirement siguro na kailangan pero sana they would facilitate that very fast dahil with that kind of living condition of our people understand sila that they would really need that help,” giit pa ni Archbishop Du sa Radyo Veritas.
Una ng inihayag ni Senador Loren Legarda na naglaan ang Kongreso ng P25.6 bilyong housing assistance sa mga biktima sa ilalim ng 2016 budget ng National Housing Authority subalit nasa P20.7 bilyon pa ang hindi nailalabas hanggang nitong June ng taon.
Iginiit pa ni Legarda na may P18.96 bilyong budget ang National Disaster Risk Reduction and Management Council subalit hindi pa rin naipapalabas ang P18.43 bilyon hanggang nitong September 30, 2016.
Kahapon, muling ginunita ng mga taga – Visayas lalo na sa Samar at Leyte at nag – alay ng panalangin sa mga nasawi sa Yolanda na nasa mahigit 6, 000 at 16 na milyon ang nawalan ng tahanan mula sa 44 na probinsya.
Samantala, sa panig ng CBCP / NASSA Caritas Philippines katuwang ang Caritas Manila ay nakapagpatayo ng 74 na chapels para sa mga piling komunidad sa Central Visayas na sinira ng Yolanda.