160 total views
Ikinatuwa ng CBCP – Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education ang nakaambang na pagtataas ng Christmas bonus ng nasa 720,000 guro sa pampublikong paaralan.
Ayon kay San Jose, Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari, bagaman maganda ang programang ipinagkakaloob ng pamahalaan sa mga public school teacher pero nangangamba naman ito sa dumaraming bilang ng mga umaalis na guro mula sa mga Catholic schools.
Aminado si Bishop Mallari na hindi kayang tapatan ng mga Katolikong paaralan ang benepisyong ipinagkakaloob ng pamahalaan sa mga guro dahil sa kakulangan sa pondo.
“Hindi ko alam kung kasama yan sa general budget natin ang ibang pangangailangan ng ating bansa yung pagtugon sa mga social issues. …On the other hand kasi we also into Catholic Schools na napakaliit yung mga sinasahod nila. Yung benefits that we can only give, we can only give too much na hindi naman ganun kalaki. I’ am fearing also sa mga private schools natin na definitely we are losing a lot of teachers,” bahagi ng pahayag ni Bishop Mallari sa panayam ng Veritas Patrol.
Panawagan rin ni Bishop Santos na kung maari ring bigyan ng subsidiya ng pamahalaan ang salary ng mga private school teachers lalo’t malaki rin naman ang naitutulong ng kanilang mga institusyon sa paglinang at paghubog ng halos mga servant leaders na ngayon sa bansa.
“In one of our schools nag – aaply na , nagre – resign they move to public school at nasa 22 na yung nag – resign. Hindi ko alam kung pwede ring ma – consider yung support na ibinibigay nila sa private schools kasi definitely nakakatulong rin tayo sa public service kasi we are giving public servants too, ‘yung well – equipped public servants sa ating government,” giit pa ni Bishop Mallari sa Radyo Veritas.
Nabatid na inaasahang makatatanggap ang pampublikong guro ng P34,000 hanggang P64,000 na Christmas bonus.
Nauna na ring kinilala ni Pope Francis ang dedikasyon ng mga guro sa kanilang pagtuturo at hinimok ang mga lider sa bansa na bigyan sila ng magandang benepisyo upang masuklian ang kanilang serbisyo.