648 total views
Naniniwala ang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines migrants’ ministry na higit yumabong ang pananampalataya sa Asya lalo na sa Pilipinas dahil sa mga migrante.
Ito ang mensahe ni Balanga Bishop Ruperto Santos sa nagpapatuloy na pagtitipon ng Federation of Asian Bishops’ Conference sa Thailand.
Ayon sa obispo bagamat mga dayuhang misyonero ang nagpalaganap ng kristiyanismo sa Asya ipinagpapatuloy ito ng mga Asyano sa pamamagitan ng mga migrante sa iba’t ibang lugar sa mundo.
“Catholic faith of Asia was sowed and spread by early foreign missionaries. Through their sacrifices even to the point of martyrdom and services, we are what we are now. The Catholic faith which we lived is now being preached and practiced by our MIGRANTS in those countries which before have sent to us their heroic missionaries. We can say now that our MIGRANTS are our missionaries and messengers of the Gospel to especially to Middle East and Europe,” mensahe ni Bishop Santos sa Radio Veritas.
Batid ng opisyal na karamihang mamamayan sa Asya ang nangingibang bayan para sa ikabubuti ng pamilya kabilang na ang sampung milyong Overseas Filipinos na nagpamalas ng kakayahan sa iba’t ibang larangan sa buong mundo.
“Migration is a reality and trend in Asia. Our migrants are builders of the infrastructures in the Middle East, and they fill up the Churches in Europe. Much attention for their protection, promotion of their rights and preservation of their natural customs should be given much priority and action,” ani Bishop Santos.
Sa ikalawang linggo ng pagtitipon ng asian bishops tinatalakay ang paksang ’emerging realities in Asia’ kung saan ibinabahagi ng mga laykong lingkod mula sa 29 na mga bansang kasapi ng FABC ang kanilang karanasan sa paglilingkod sa iba’t ibang ministries ng simbahan.
Naniniwala si Bishop Santos na dapat gabayan ng simbahan lalo na ang mga kabataan na mabisang katuwang ng simbahan sa pagmimisyon lalo na sa ‘digital age’ upang maisakatuparan ang hangarin ng simbahang ipalaganap ang katotohanan sa pamayanan.
“Asia is young people. They are for us the hands of God, our efficient and effective companions in the Church. With their immense knowledge on social communications, they are for us the voice of God. We should always accompany them, guiding them to right and moral path, and guarding them from deafening noises of false news, materialism and fame,” giit ng obispo.
Ang dalawang linggon pagtitipon ng mga lider ng simbahan sa Asya ay bahagi ng pagdiriwang sa ika – 50 anibersaryo ng FABC na unang itinatag sa Pilipinas noong 1970 sa pagdalawa ni St. Paul VI.
Nakatuon ang talakayan ng mga obispo sa kalagayan ng simbahan sa Asya batay na rin sa isinagawang syodality na isinusulong ng Santo Papa Francisco noong October 2021.