Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Banta sa mga mamamahayag, banta sa kalayaan

SHARE THE TRUTH

 511 total views

Mga Kapanalig, nitong nakalipas na linggo, may isinagawang pagbisita ang mga pulis sa mga mamamahayag upang bigyan daw sila ng proteksyon matapos ang naganap na pagpaslang sa kilalang brodkaster na si Percy Lapid. Ayon sa isang nabisitang mamamahayag, kinukuha ng mga pulis ang kanilang address at contact number mula sa barangay at pinupuntahan sila sa kanilang bahay, bagay na naging sanhi ng pangamba sa kanilang mga pamilya at sa mismong mga mamamahayag.

Ang pag-iral ng ganitong pangamba at pagkatakot ay tila sintomas ng kawalan ng tiwala ng mga mamamahayag—at pati marahil ng ilang mamamayan—sa ating kapulisan. Bakit kaya na imbis na makampante ang mga dinalaw ng mga pulis ay nagdulot pa ang naturang pagdalaw ng pangamba at takot? Nakalulungkot na ang kapulisan ay kinatatakutan hindi ng mga lumalabag sa batas kundi ng mga ordinaryong mamamayang sumusunod sa batas.

Paano tayo umabot sa ganitong kalagayan? Maaari kayang nakapagpapaalala ito sa mga tao tungkol sa kampanya laban sa iligal na droga ng nakaraang administrasyon? Ang mga mamamahayag naman kaya ngayon ang itinuturing na kalaban ng gobyerno?

Ang pagpaslang kay Percy Lapid at ang pag-amin ng diumanong isa sa inutusang pumatay sa kanya ay tila lalong nakadagdag sa takot sa halip na pawiin ang pangamba ng mga tao.  Dahil sa pag-amin ng pumatay kay Lapid na siya at ilan pang mga kasama ay mga bilanggong napag-utusang gawin ang krimen, maaaring nagpapatunay ito kung gaano kadaling pumatay ng tao sa ating bansa. At pinupuntirya ngayon ang mga mamamahayag. Ito kaya ang mensaheng nais ipaabot sa taumbayan?

Kapag natakot ang mga mamamahayag na magsalita o ipaalam sa taumbayan kung may mga hindi tamang nagaganap sa ating lipunan, sino pa ang maaaring gumawa nito? Ang mga vloggers ba? Paano natin malalaman kung may nangyayaring korapsyon o panlolokong ginagawa ang mga nasa kapangyarihan? Kung walang kumikibo, walang gulo. Mas gusto ba natin ito?

Isipin natin: kahit magutom ang mga mamamayan dahil sa korapsyon, walang kikibo.  Kahit lustayin ang kaban ng bayan at hindi ibigay sa mga tao ang ayuda at serbisyong dapat nilang matanggap, walang aalma dahil walang magsasabi sa atin na may dapat pala tayong matanggap. Kahit magpasasa sa luho ang mga nasa poder habang marami ang nagugutom, mababa ang suweldo, at hindi makapag-aral, walang kikibo dahil walang nagsasaliksik at nagbubunyag na ganito na pala ang dinaranas ng marami sa atin. Mas gusto ba nating hindi na malaman ang tunay na nagaganap sa ating bayan?

Kung ang mga mamamahayag ay tinatakot, at hindi naman natin sila papanigan o ipagtatanggol, ganito na nga ang mangyayari.  Kahit pasamâ nang pasamâ ang lagay ng ating buhay, walang mangangahas na magsalita.

Ibang iba ang halimbawang ipinamalas sa atin ng ating Panginoon pagdating sa pagsasabi ng totoo at pagmamalasakit sa mga pinahihirapan ng mga makapangyarihan. Si Hesus ay di nag-atubiling ipamukha sa mga makapangyarihang mga Pariseo ang mga ginagawa nilang pagpapahirap sa mga ordinaryong tao dahil sa kanilang mga batas. Sa halip, ginamot Niya ang mga maysakit maging sa araw ng Sabbath kahit pa ipinagbabawal ito ng batas ng mga Hudyo. Hindi Siya nangiming tawagin silang mga mapagpanggap na kunwari ay napakalinis sa panlabas nilang anyo at kilos ngunit puno ng kasakiman at kasamaan sa kanilang kalooban.

Mga Kapanalig, ang pagsisiwalat sa katotohanan at pagtatanggol sa kapakanan ng tao ay kailangan upang ang maging makatarungan at payapa ang lipunan. Sa katuruan ng ating Simbahan, ang tunay na kalayaan ay nakikita sa paggawa ng kabutihan at pagtatanggol sa katarungan. Kung pinatatahimik ang mga mamamahayag at hindi kumikibo ang mga tao sa gitna ng kasamaan at kawalan ng katarungan, masasabi pa kaya nating tayo ay tunay na malaya?

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 20,931 total views

 20,931 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 35,587 total views

 35,587 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 45,702 total views

 45,702 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 55,279 total views

 55,279 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 75,268 total views

 75,268 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mapa ng bansa

 20,932 total views

 20,932 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam, POGO!

 2,323 total views

 2,323 total views Mga Kapanalig, isa sa mga pinakapinalakpakan noong ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM ang pagbabawal sa Philippine offshore gaming operations (o POGO). Sangkot daw ang mga ito sa mga ilegal na gawaing walang kinalaman sa paglalaro o pagsusugal. Naging instrumento na rin daw ang mga POGO ng scamming,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 35,588 total views

 35,588 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 45,703 total views

 45,703 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 55,280 total views

 55,280 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 75,269 total views

 75,269 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 47,802 total views

 47,802 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 42,827 total views

 42,827 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 46,396 total views

 46,396 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 58,851 total views

 58,851 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 69,918 total views

 69,918 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 76,237 total views

 76,237 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 80,848 total views

 80,848 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 82,408 total views

 82,408 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 47,969 total views

 47,969 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top