641 total views
Tiniyak ng Archdiocese of Tuguegarao ang pakikipagtulungan sa awtoridad sa imbestigasyon sa paring hinuli ng National Bureau of Investigation dahil sa reklamong sexual abuse laban sa isang menor de edad.
“The archdiocese will fully cooperate with the prosecution service towards the conduct of an unbiased preliminary investigation and will also extend its assistance to our priest.” bahagi ng pahayag ng Archdiocese of Tuguegarao.
Pansamantalang pinagbawalan si Fr. Karole Reward Israel sa kanyang priestly obligations habang isinasagawa ang pagsisiyasat sa alegasyong pang-aabuso sa 16 taong gulang na babae.
Inaresto ang pari ng mga tauhan ng NBI noong October 18 sa isang parokya sa bayan ng Solana Cagayan.
Tiniyak din ng arkidiyosesis ang pagtulong sa biktima sakaling mapatotohanang nagkasala ang pari.
“If it is established that there is in fact a victim, assistance will likewise be extended.” dagdag pahayag.
Matatandaang sa pagbisita ng Santo Papa Francisco sa Canada noong Hulyo ay humingi ito ng paumanhin sa lahat ng mga biktima ng pang-aabusong sekswal mula sa mga pastol ng simbahan lalo na ang mga kabataan at tiniyak ang katarungan ng bawat biktima.
Hiniling ng Archdiocese of Tuguegarao ang panalangin sa katatagan ng bawat pastol ng simbahan lalo na ang nahaharap sa pagsubok.
“Meanwhile, we earnestly ask for prayers for all our priests who bear all the frailties that afflict us all.”