375 total views
Tiniyak ng Pag-IBIG Fund ang pagpapalawak ng programang pabahay para matulungan ang bawat mamamayan na magkaroon ng disenteng masisilungan.
Ito ang pahayag ni Department of Human Settlements and Urban Development Secretary at Pag-IBIG Fund Chairman Jose Rizalino Acuzar kasunod ng programa ng administasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tugunan ng housing backlog sa bansa.
Ibinahagi ng institusyon na 13, 131 socialized homes ang kanilang naipagkaloob sa mga minimum-wage at low-income members mula Enero hanggang Setyembre ng kasalukuyang taon.
“We remain steadfast in our commitment to the Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Program led by President Ferdinand R. Marcos, Jr. in addressing the country’s housing backlog by ensuring that owning a home remains inclusive and accessible to all, particularly the underserved.” bahagi ng pahayag ni Acuzar.
Ayon sa Pag-IBIG Fund ang 13-libong socialized homes ay 18 porsyento sa mahigit 70-libong pabahay na tinustusan ng ahensya o katumbas sa 5.72 billionn pesos sa kabuuang 83.31-billion pesos na naipamahaging home loan.
Ang Affordable Housing Program ng institusyon ay special home financing program na inilaan para sa minimum wage at low-income earners na kasapi ng Pag-IBIG Fund o mga kumikita ng P15, 000 sa National Capital Region at P12, 000 naman sa labas ng NCR.
Ayon naman kay Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Marilene Acosta, sa isang dekadang pagpatupad ng programa ang maraming minimum-wage earners ang nagkaroon ng tahanang masisilungan sa mas abot kayang halaga o mahigit dalawang libong piso lamang kada buwan as loob ng 30 taon.