599 total views
Inaanyayahan ng Claretian Missionaries ang mamamayang makilahok sa isasagawang Word Conference sa November 30.
Ayon kay Fr. Elias Ayuban Jr., CMF, Provincial Superior of the Claretian Missionaries of the Fr. Rhoel Gallardo Province, tatalakayin sa pagtitipon ang gawain ng kababaihan sa pagmimisyon.
“My dear friends we would like to invite you to a Word Conference that deals with…’the role of women in the scriptures’ with the theme Touch the Word: If I just Touch His clothing (Mark 5:28),” bahagi ng paanyaya ni Fr. Ayuban.
Pagninilayan sa WordCon ang mahalagang ginampanan ng kababaihan sa Bibliya na sa pamamagitan ng mga Salita ng Diyos ay nabago ang kanilang buhay lalo na sa pakikisalamuha sa pamayanan.
Kabilang sa mga magbibigay ng panayam sa WordCon sina Sr. Mirian Alejandrino, OSB habang tagapagbahagi naman si Fr. Jose Randolf Flores, SVD sa paksang ‘Women and the Genealogy of Jesus’; Sr. Victoria Victorino, PDDM at Fr. Cristino Pine, OFM sa paksang ‘Widows in some New Testament Texts-Generating Faith in Communities’; Sr. Jolanta Kafka, RMI at Fr. Alejandro Gobrin, CMF sa paksang ‘Women Friends of Jesus’; at CBCP President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David at Sr. Mary John Mananzan, OSB sa paksang ‘Mary, the Mother of Jesus’.
Isasagawa ang WordCon sa pamamaraang hybrid (face-to-face at online) mula alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon sa Claret School of Quezon City.
Ito ay sa inisyatibo ng Claretian Missionaries in the Philippines, Claretian Communications Foundation, Inc sa pakikipagtulungan ng Claret School.
Sa mga nais lumahok sa WordCon ay maaring magparehistro sa www.wordcon.ph.