695 total views
Hangarin ng simbahan at pamahalaan ng Bataan ang kaligtasan ng bawat mamamayan.
Ito mensahe at panalangin nila Balanga Bataan Bishop Ruperto Santos at Ms.Glenn Diwa – officer in charge ng Bataan Provincial Disaster Risk Reduction Management office (PDRRMO)sa pananalasa ng bagyong Paeng.
Ipinagdarasal ni Bishop Santos na pahupain ng Panginoon ang malakas na bagyo na inaasahang tatami sa lalawigan.
“We know you can calm a storm at your word, just like what you did on the Sea of Galilee, we beg that you spare our nation from damage and tragedies, come to the aid of those who are in the typhoon’s path so they may stay unharmed,” ayon sa pananalangin ni Bishop Santos.
Tiniyak naman ni Ms.Diwa ang pagiging handa ng Bataan PDRRMO sa pagtugon sa mga magiging pangangailangan ng mamamayang maapektuhan ng bagyong Paeng katulad ng sapat na suplay ng pagkain at malinis na inuming tubig.
Ayon pa kay Diwa, nakahanda narin ang mga evacuation centers sa lalawigan kung saan umaga ng October 29, 2022 ay isinagawa ang pre-emptive evacuation sa mamamayang naninirahan sa mababang lugar, malapit sa baybayin at landslide risk areas.
“I am encouraging po lahat ng mga Bataeño na maging alerto sa paparating na bagyo, paghahanda mismo sa level ng kani-kanilang mga pamilya, anticipate na po natin ang worst case scenario, huwag pong paka-kampante kung ano man ang mga advisories na binababa po, sana po making po ang lahat,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Diwa.
Unang ipinanalangin nila Surigao Bishop Antonieto Cabajog at Daet Bishop Rex Andrew Alarcon ang kaligtasan ng lahat mula sa banta ng bagyong Paeng.