1,987 total views
Ugaliin ang kultura ng pagmamalasakit sa kapwa lalo na sa oras ng mga kalamidad at sakuna.
Ito ang panawagan ni Sangguniang Laiko ng Pilipinas National President Raymond Daniel Cruz, Jr. kaugnay sa pananalasa ng bagyong Paeng sa bansa.
Ayon kay Cruz, bukod sa paghahanda sa banta ng bagyo sa iba’t ibang lugar ay mahalaga rin ang pananalangin bilang paraan ng pagmamalasakit para sa kapakanan ng kapwa na unang naapektuhan ng bagyo sa Visayas at Mindanao.
“We continue to call our fellow laity to intercede and pray for protection against typhoon Paeng. Our prayers are always heard and the Lord is always in control. As we brace for its impact let us also remember those who are now suffering from floodings and the destruction of their properties. Let us pray that lives will be spared.” pahayag ni Cruz, Jr. sa Radio Veritas.
Ayon kay Cruz, isa ring paraan ng pagmamalasakit ang pangangamusta sa kalagayan at kasalukuyang sitwasyon ng mga kaibigan, mahal sa buhay at mga kakilala sa gitna ng kalamidad.
Nanawagan naman si Cruz sa lahat at sa iba’t ibang mga organisasyon na maging handa sa pagtugon sa pangangailangan ng mga nasalanta ng bagyo maging sa simpleng mga pamamaraan.
Unang nanawagan ang Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ng pagtutulungan ng lahat para sa mga biktima ng bagyo kung saan 70-indibidwal na ang nasawi.
Read: https://www.veritasph.net/pagtutulungan-hiling-ni-cardinal-advincula-sa-pananalasa-ng-bagyong-paeng/