633 total views
Hinimok ng Kanyang Kabanalan Francisco ang mananampalataya na ipagpatuloy ang mga gawaing makatutulong sa kapwa lalo na ang pagpapalago ng pananampalataya.
Sinabi ng Santo Papa sa Angelus na mahalagang hingin ang paggabay ng Espiritu Santo sa paglilingkod sa kapwa.
“I encourage you, dear Brothers, to go forward in your apostolates, always renewing yourselves with the grace of the Holy Spirit and being courageous in opening new paths to the service of families, to make the beauty of the Covenant shine forth – Covenant, the beauty of the Covenant – established between God and men, with spirituality and the experience of Christian values,” bahagi ng mensahe ni Pope Francis.
Aminado si Pope Francis na isang malaking hamon sa bawat binyagan na makibahagi sa misyon ni Hesus lalo sa kasalukuyang panahon na maraming balakid bunsod ng iba’t ibang suliranin sa pamayanan.
Umaasa ang santo papa na paiigtingin ng tao ang pagbabahagi ng Mabuting Balita at ipadama sa kapwa ang kalinga ng Diyos sa pamamagitan ng pagkawanggawa.
Sa Pilipinas, sinisikap ng simbahan na abutin ang mga nalalayo ang pananampalataya at mga naisasantabi sa lipunan alinsunod sa “synod on synodality ng Santo Papa.
Sa nagdaang konsultasyon sa mahigit tatlong libong parokya sa bansa, nakitang malaki pa ang pagkukulang ng simbahan para abutin ang higit na nangangailangan sa pamayanan lalo na sa mga taong hindi nakakikilala kay Kristo.
Ito ang isa sa mga paksang tinalakay ng asian bishops sa nagdaang general conference ng Federation of Asian Bishops’ Conferences kung saan napagkasunduan ng mga obispo ang pagpapaigting sa pastoral at ecological conversion at pagtataguyod sa pangangailangan ng bawat nasasakupan.