565 total views
Nagpahayag ng pagbati ang Young Franciscan Advocates ng Franciscan Solidarity Movement for Justice, Peace, and Integrity of Creation sa dalawang kasaping kabataan na kinilala ng CBCP-Episcopal Commission on Prison Pastoral Care (CBCP-ECPPC) noong nakalipas na 35th Prison Awareness Week.
Ang dalawang Young Franciscan Advocates na sina Laurentino Y. Gulapa Jr. at Bryan Christopher A. Tolentino ay kabilang sa ginawaran ng kumisyon ng “Gawad Paglilingkod Award”.
Ito’y pagkilala sa mga katuwang ng Simbahan sa pagpapalaganap ng misyon ni Hesus na maipadama ang patas na katarungan na nagdudulot ng paghilom.
“The Young Franciscan Advocates family would like to congratulates our two dedicated members Laurentino Y. Gulapa Jr. and Bryan Christopher A. Tolentino who received an award of “Gawad Paglilingkod Award” from the CBCP-Commission on Prison Pastoral Care (CBCP-ECPPC) last October 30, 2022 during the 35th Prison Awareness Sunday National Eucharistic Celebration and Gawad Paglilingkod Awarding,” mensahe ng Young Franciscan Advocates.
Hinahangaan ng Young Franciscan Advocates ang pagnanais ng nasabing kabataan na maglingkod para sa kapakanan ng mga bilanggo.
Umaasa ang Franciscan Solidarity Movement for Justice, Peace, and Integrity of Creation na maging huwaran ang dalawang Young Franciscan Advocates ng ibang kabataan upang makibahagi sa mga makabuluhang gawain para sa kapakanan ng kapwa.
Tema ng 35th Prison Awareness Week na ginunita mula ika-24 hanggang ika-30 ng Oktubre, 2022 ang “Towards Listening, Healing and Loving Correctional Community”.