2,254 total views
Ito ang panawagan ni Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio sa paggunita ng ika-siyam na taon mula ng manalasa ang Super Typhoon Yolanda na may international name na Haiyan sa bansa noong November 8, 2013.
Ayon sa Obispo, mahalagang patuloy na alalahanin at ipanalangin ang mga nasalanta ng Super Typhoon Yolanda na nagdulot ng malawak na pagkasira hindi lamang sa mga establisyemento at ari-arian kundi maging sa mismong buhay ng mamamayan lalu na sa Eastern Visayas region.
“This year is pang-siyam na taon and that is very important dahil sa itong taon na ito the 9th year para bang yun ang ginugunita natin na atleast we have to remember all of them lahat ito so ganun din ang iniisip namin na ipagdadasal natin yung mga nasalanta ng Yolanda 9 years ago.” pahayag ni Bishop Florencio sa Radio Veritas.
Ipinaliwanag ng Obispo na ang paggunita sa pananalasa ng Super Typhoon Yolanda ay paalala sa magagawa ng bawat isa para sa sinasabing cry of creation.
Iginiit ni Bishop Florencio na nararapat na pagtuunan ng pansin ang pangangalaga sa kalikasan sapagkat babalik lamang sa tao ang sakunang maaring idulot ng kapabayaan at pang-aabuso sa kapaligiran.
“Isa rin itong paunawa at kind of reminder para sa atin na yung bagyo na yun ay napakalakas and one of a kind in many hundred years. Siguro tingnan po natin kung anong magagawa natin sa kalikasan, of course that was clear to us that yung nangyari sa bagyong Yolanda was also a cry of creation, of the environment. It’s also a cry of our environment so bigyan din natin ng pansin kung anong magagawa natin because kung hindi natin ginagawan ng solusyon ang ating environment, ang kalikasan natin siya po ay gaganti ng hindi natin alam kung hanggang anong measure doon.” Dagdag pa ni Bishop Florencio.
Ibinahagi ni Florencio Obispo na bilang isang survivor ng Super Typhoon Yolanda ay personal niyang nakita at naranasan ang hagupit ng bagyo partikular na sa Arkidiyosesis ng Palo sa Leyte kung saan siya naordinahan at nagsilbi bilang pari mula noong 1990 hanggang maitalagang Auxiliary Bishop ng Archdiocese of Cebu noong 2015.
Ayon kay Bishop Florencio, dahil sa hindi maiiwasan ng bansa ang pananalasa ng mga bagyo ay mahalaga ang tuwinang pananalangin at pagiging handa upang maiwasan ang mas malawak na epekto ng mga sama ng panahon.
“I am also a survivor of Yolanda, firsthand survivor talaga. I saw it coming, I saw it happen and we were able to survive but on top of that ganun pa din natatakot talaga ako pero there’s nothing na magagawa natin na para bang iiwasan natin, hindi tayo makakaiwas dito because ang lugar po natin ay palaging maraming mga calamities. But we can always prepare so that ma-mitigate natin ang mga impact ng mga ganito.” Dagdag pa ni Bishop Florencio.
Mula ng manalasa sa Pilipinas ang kauna-unahang super typhoon category na Yolanda noong November 8, 2013 ay ilang mga super typhoon category na bagyo tumama sa bansa kabilang na ang Super Typhoon Rolly noong Nobyembre ng taong 2020, Super Typhoon Odette noong Disyembre ng taong 2021 at Super Typhoon Karding nito lamang Setyembre ng kasalukuyang taong 2022.