835 total views
Ipadama sa mga mahihirap higit na sa mga biktima ng digmaan, pandemya at kalamidad ang patuloy na pakikiisa at pagkalinga.
Ito ang mensahe ni Manila Archbishop Jose Carinal Advincula sa paggunita ng World Day of the Poor sa November 13 sa temang: “For your sakes Christ became poor”.
Ayon sa Kardinal, alinsunod sa tema ng pagdiriwang dapat pagnilayan ng mananampalataya ang diwa ni Kristo na nakiisa sa paghihirap ng sangkatauhan sa iba’t ibang paraan.
“The World Day of the Poor comes this year as a healthy challenge, helping us to reflect on our style of life and on the many forms of poverty all around us.” pahayag ni Cardinal Advincula sa Radio Veritas.
Bilang paggunita sa ikaanim na taon ng world day of poor ay inaanyayahan ng arsobispo ang bawat parokya na isabuhay ang temang: ‘Pakikilakbay sa mahihirap kay Hesus Kristo tungo sa katarungan at nakapagpabagong pagtataya’.
Ipinaalala ni Cardinal Advincula na hindi lang sa November 13 dapat kailangain at tulungan ang mga mahihirap.
Muli rin tiniyak ni Cardinal Advincula ang paghahandog ng arkidiyosesis ng programa sa pamamagitang ng RCAM-Commission on Social Services and Development (CSSD) na layuning matulungan ang ang 500-mahihirap na indibidwal sa mga lugar ng Malate, Ermita at Paco Manila.
“This is our response to the growing number of people in the streets as they lost jobs and family members due to COVID-19 pandemic, in collaboration with the parish of St. Vincent the Paul and some generous parishes, we hope to lead them experience God’s love and care through a dignified bath, haircut, medical mission, healthy meals, giving of food packs with hygiene kit and a brotherly/sisterly encounter to listen to their stories.” ani Cardinal Advincula.
Ang programang idadaos ng arkidiyosesis sa pangangasiwa ni Father Eric Adoviso – Commissioner ng RCAM-CSSD ay isasagawa simula ikaanim ng umaga hanggang ikalawa ng hapon na magbibigay ng pagkakataon upang makaligo, makakain at magkaroon ng libreng gupit sa mga beneficiaries.
Sa ganap namang ika-10 ng umaga ay idadaos ang banal na misa bilang paggunita sa World Day of the poor na agad susundan ng pagpapakain sa mga mahihirap at pamamahagi ng mga food packs at hygiene kits.