187 total views
Hinimok ni Diocese of Dumaguete Bishop Julito Cortez- Chairman ng CBCP Episcopal Commission on Healthcare ang mamamayan na magpursigi upang matularan ang Panginoong Hesukristo sa kanyang pag-aalaga sa mga may sakit.
Sa ginawang 6th Catholic Asia Pacific Coalition against HIV/AIDS Conference, inihayag ni Bishop Cortez na bilang mga kristiyano, ang bawat isa ay tinatawagan upang ipadama ang habag at awa na ipinamalas ng Panginoon nang pagalingin nito ang mga may sakit.
“As Christians we are impelled by our faith to respond to situations of suffering like illness and sickness, so guided by our faith in Jesus Christ, we are encouraged and we are duty-bound to do according to what He had done in the face of illness,” pahayag ng Obispo sa Radyo Veritas.
Hinikayat din ng Obispo ang bawat isa na maging kamay, katawan at paa ni Hesukristo upang maabot ng Panginoon ang mga mahihirap at mga may sakit na HIV/AIDS.
Aniya, sa pamamagitan nito, mararamdaman ng “positive community” ang pagmamahal at pagsuporta ni Hesukristo sa kanilang pakikipaglaban sa sakit.
“On our part we are encouraged to respond, in fact, impelled to do something, and this, for this reason, that we are called to have pro-active Catholic response to the reality of HIV/AIDS in our country and other serious related concerns like addiction, problems in migration, we are suppose to be hands feet and body to Jesus Christ who is the presence of God the Father, we give hands, feet and body to Jesus Christ by helping the sick, so by helping the sick we make Jesus present to the sick,” sinabi ni Bp. Cortez.
Ikinalulugod naman ni Bp. Cortez ang matagumpay na pamamahala ng Pilipinas sa ika-anim na taon ng Catholic Asia Pacific Coalition againts HIV/AIDS Conference.
Ayon sa Obispo, isa itong pambihirang pagkakataon upang makapagbahagi ang Pilipinas ng mga karanasan at pamamaraan kung paano nito pinalalaganap ang edukasyon sa mga kabataan.
Ipinakita sa mga kalahok na nagmula sa iba’t-ibang bansa sa Asya, ang curriculum na ginagamit ng mga Catholic Schools sa Pilipinas sa pagtuturo ng HIV/AIDS.
Sa kabuuan umabot sa 82 ang nakilahok sa 6th Catholic Asia Pacific Coalition against HIV/AIDS Conference mula sa 9 na mga bansa, kabilang dito ang tatlong mga Obispo, 13 Pari, mga madre at layko mula sa religious congregations at mayroon ding mula sa positive community.