654 total views
Nagpaabot ng panalangin si Cardinal Luis Antonio Tagle, Prefect of the Congregation for the Evangelization of Peoples para sa Simbahan sa Mindanao matapos ang 17th Mindanao-Sulu Pastoral Conference.
Sa mensaheng ipinaabot ng opisyal ng Vatican para sa mga delegado ng pagtitipon mula sa iba’t ibang diyosesis sa Mindanao, hinikayat ng Cardinal ang mga lingkod ng Simbahan na ganap na palaganapin ang pananampalatayang Kristiyano hindi lamang bilang isang doktrina o istruktura kundi bilang isang buhay sa katauhan ni Hesus.
Ayon kay Cardinal Tagle, mahalagang bahagi ng ebanghelisasyon ang pagbabahagi sa napakagandang buhay at halimbawa ng pakikitungo ni Hesus sa kanyang kapwa.
“This is our prayer for the church in Mindanao and Sulu, please transmit the faith not just as doctrine, not just as structures but as a living person of Jesus. His words are beautiful, His relationships are the norm of our relationships, His inversion of the world’s bad news is still amazing, so anyone who has encounter Jesus of course with God’s grace hopefully we fall in love with Him and with love share him. We pray that the Lord will pour abundant blessings in Mindanao and Sulu.” mensahe ni Cardinal Tagle.
Kinilala ng Cardinal na isang biyaya para sa Simbahan ang 17th Mindanao-Sulu Pastoral Conference hindi lamang sa Mindanao o sa Pilipinas kundi maging sa buong Asya.
“We thank God for the Mindanao-Sulu Pastoral Conference which is a great blessing to the church not only in Mindanao and Sulu but the church in the Philippines and I dare say even to Asia.” Dagdag pa ni Cardinal Tagle.
Ipinaalala ni Cardinal Tagle na bilang misyunero ng ebanghelisasyon ay mahalaga ang tunay na pagbabahagi ng karanasan ng pagmamahal ni Hesus sa kapwa sa pagpapalaganap ng salita ng Diyos.
Pinangasiwaan ng Archdiocese of Cagayan de Oro ang 17th Mindanao-Sulu Pastoral Conference na dinaluhanng mga lingkod ng Simbahan mula sa 21-diyosesis sa limang Ecclesiastical Province sa Mindanao na kinabibilangan ng Ecclesiastical Provinces of Cagayan de Oro, Cotabato, Davao, Ozamis at Zamboanga.
Layunin ng pagtitipon na higit pang mapatatag ang komunyon at pagkakaisa ng Simbahan sa Mindanao sa pamamagitan ng sama-samang pagtalakay sa mga hamon at opurtunidad na patuloy na kinahaharap ng Simbahang Katolika.