2,065 total views
Inihayag ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula na ang bawat bahay dalanginan ay mahalagang lugar upang makatagpo ang Panginoon.
Ito ang pagninilay ng arsobispo kasabay ng pagtalaga ng dambana ng St. John Paul II Parish sa Aponit – Talang, San Carlos City Pangasinan nitong November 22, 2022.
Ipinaliwanag ni Cardinal Advincula na bilang tahanan ng Panginoon ay mahalagang magbuklod ang pamayanan at ipadama ang diwa ng pakikipagkapwa.
“My brothers and sisters as the church is the place of our encounter with God this is also a place where we encounter the people of God…the church is the house of our Christian community, this is also our house and when we gather in this church we manifest that we are God’s family…and our encounter with God in the Church should lead us to an authentic encounter with one another.” bahagi ng pagninilay ni Cardinal Advincula.
Sa panayam ng Radio Veritas sinabi ni Fr. Jaime Quinto – kasalukuyang kura paroko ng bagong parokya na ito ay bahagi ng pagpapaigting ng Archdiocese of Lingayen Dagupan sa pamumuno ni Archbishop Socrates Villegas sa misyon lalo na sa mga komunidad.
Aminado si Fr. Quinto na malaking hamon sa mga simbahan sa bansa ang pag-abot lalo sa mga mananampalataya sa kanayunan kayat inilalapit sa tao ang bahay dalanginan.
Apela ng pari sa nasasakupang mananampalataya sa Aponit-Talang na maging aktibong kasapi ng pamayanan ng St. John Paul II Parish at maging katuwang sa misyon ng simbahan.
“‘Kapag sa barangay kasi nahihirapan ang simbahan to spread the good news and celebrate the sacraments kaya minabuti ni Archbishop [Socrates Villegas] we have to build churches in barangays…The door is wide open. Come!” pahayag ni Fr. Quinto.
Ang St. John Paul II ay kabilang sa mahigit 50 parokya ng arkidiyosesis na nangangasiwa sa mahigit isang milyong katoliko.
Dumalo sa solemn dedication ng simbahan si Archbishop Villegas, Tarlac Bishop Enrique Macaraeg, Lingayen-Dagupan Auxiliary Bishop at Alaminos Apostolic Administrator Bishop Fidelis Layog, Alaminos Bishop Emeritus Jesus Cabrera, mga pari, madre at relihiyoso ng arkidiyosesis gayundin ang pamayanang nasasakupan ng parokya.