3,162 total views
Ibinahagi ng Archdiocese of Cebu na ilang indibidwal sa arkidiyosesis ang ginawaran ng pagkilala ng Kanyang Kabanalan Francisco.
Ayon kay Archbishop Jose Palma, ang mga Papal awardees ay kaugnay sa pagdiriwang ng bansa sa 500 Years of Christianity kung saan sa Cebu unang itinanim ang binhi ng kristiyanismo.
Ilan sa mga igagawad na pagkilala ang ‘The 2022 Knights and Dames to the Equestrian Order of Saint Sylvester, Pope and Martyr; Pro Ecclesia Et Pontifice; at ang Papal Chaplains.
Ang Knights and Dames to the Equestrian Order of Saint Sylvester, Pope and Martyr na itinatag ni Pope Gregory XVI noong 1841 ay iginagawad ng santo papa bilang pagkilala sa mga laykong aktibong katuwang ng simbahan sa pagpapalaganap ng mabuting balita ng panginoon.
Ang Pro Ecclesia Et Pontifice naman ay iginagawad sa mga natatanging pari at laykong naglilingkod sa simbahan habang ang Papal chaplains naman ang iginagawad sa mga paring naglingkod ng mahabang panahon, may ‘ exceptional service’ sa simbahan o may katungkulan sa pamamahala ng diyosesis.
Ilan sa gagawaran ng pagkilala sa Knights and Dames to the Equestrian Order of Saint Sylvester, Pope and Martyr sina Dame Fe Mantuhac Barino, Dame Elisa Despi Chanlim, Dame Maria Luisa Chiongbian, Dame Margarita Maria Matheu, Dame Leticia Melinda Mendoza, Knight Wellington Chanlim, Knight Jose Enrique de las Peñas, Knight Simeon Dumdum Jr., Knight Socrates Fernandez at Knight Leo Manguilimotan.
Makatatanggap ng Pro Ecclessia et Pontifice naman si Sig. Alejandro Aguspina Jr., Sr. Maria Visminda Dumadag, LGC, Dr. Juliene Ereño, Sig. Jaime Irizari, Jr., Sig. Bernido Hing Liu, Sig. Edmund Hing Liu, Sig. Velentino Sandiego. Fr. Ernesto Javier, SJ, at Fr. Robert Villanueva, MSC.
Hinirang namang Papal Chaplains sina Msgr. Uldarico Flores, Msgr. Vicente Florido, Jr., at Msgr. Cristeto Mendez, CM.
Gaganapin ang Solemn Conferral and Investiture sa December 15, 2022 sa alas nuebe ng umaga sa Cebu Metropolitan Cathedral.