Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 620 total views

Homiliya para sa Huwebes ng Karaniwang Panahon, 24 Nobyembre 2022, Lk 21:20-28

Marami na akong narinig na kuwentong nanay tungkol sa karanasan ng panganganak. Magandang marinig ng mga lalaki ang ganitong mga kuwento para mamulat kami tungkol sa pinagdaraanan ng mga babaeng nagbubuntis, lalo na kapag nakakaramdam na sila ng paghilab ng tiyan at malapit na silang manganak.

Minsan, noong buhay pa ang nanay ko, isa sa mga kapatid kong babae ang nagtanong sa nanay ko tungkol sa panganganak. Ipinagbubuntis kasi noon ng kapatid kong babae ang unang anak niya. Unti-unti yatang tumitindi ang kaba niya dahil araw-araw daw nakikita niyang palaki nang palaki ang batang dinadala niya sa tiyan niya. Siguro, dahil alam niya na labing-tatlo kaming magkakapatid na normal na isinilang ng nanay namin sa bahay sa tulong lang ng komadrona, tinanong niya ang nanay ko: “Ima, kakayanin ko pa kayang ilabas ang batang ito, e pagkalaki-laki na.” Sagot naman ni nanay, “Ay, alisin mo nga ang nerbyos mong iyan. Tandaan mo, kung marunong pumasok iyan, marunong ding lumabas iyan.”

Hindi nila alam nakikinig ako sa usapan nila. At ang pumasok sa imahinasyon ko ay hindi ang panig ng nanay na nanganganak kundi ang panig ng batang lumalabas. Dahil siguro alam kong bilang lalaki hindi ko naman talaga mararanasan ang pinag-uusapan nilang panganganak, nilagay ko ang sarili ko sa lugar ng batang isinisilang. Siguradong kung natakot ang nanay, di hamak na mas natakot ang sanggol dahil hindi naman niya naiintidihan ang nangyayari, at paglabas niya, hindi pa niya kayang ikuwento ang pinagdaanan niya. Natanong na ba ninyo sa sarili, kung ano kaya ang naramdaman ng sanggol noong ipanganak siya ng nanay niya?

Sabi ni Freddie Aguilar sa kanyang kantang ANAK, “Nang isilang ka sa mundong ito, laking tuwa ng magulang mo, at ang kamay nila ang iyong ilaw. At ang nanay at tatay mo di malaman ang gagawin, minamasdan pati pagtulog mo.”

Lalaki nga kasi ang nagsulat ng kanta kaya perspective din ng lalaki ang ine-express niya. Ang lalaking malapit nang maging ama na naghihintay sa labas, sabay na nasasabik sa tuwa at hindi alam ang gagawin, hindi mapakali. Pero ang nanay lang talaga ang makapaglalarawan mismo ng karanasan ng panganganak—ang magkahalong damdamin ng takot, pangamba at hinagpis habang sinasabayan ng pag-iri ang paghilab ng tiyan niya. Kung nakakatakot ang panganganak para sa ina, siguradong mas nakakatakot ito para sa bata. Nakatatak ang karanasang ito sa alaala natin. At sabi nila, parang umuulit ang experience na ito sa mga sandaling haharap tayo sa pagwawakas ng buhay dito sa mundo.

Parang ganito rin ang perspective ng ating binasa sa ebanghelyo tungkol sa pagdating ng wakas ng panahon. Dini-describe ni Hesus ang mga krisis na pagdaraanan daw muna ng sangkatauhan bago dumating ang katapusan ng mundo. Makakaranas daw ang tao ng “malaking kapighatian, pagkasindak, pagkalito at pagkayanig, na parang hihimatayin sa takot. Parang nangahuhulog daw ang mga bituin at ang buwan… At sa may bandang dulo ng pagbasa, sasabihin niya, “At makikitang dumarating ang Anak ng Tao mula sa alapaap.”

Para bang ang description ay ang nasisilip ng duktor o komadronang nagpapaanak kapag lumalabas na ang ulo ng bata. Sabi pa ng ebanghelyo, pagdating ng sandaling iyon, “iunat nang tuwid ang sarili, itaas ang ulo…” Siguro kinakausap din ng mga komadronang umaalalay sa bata habang lumalabas ito, “O anak, sige, iuna ang ulo, iunat ang katawan, ayan na lalabas ka na.”

Napakatraumatic siguro ng paglabas na iyon ng bata. Akala siguro niya katapusan na niya iyon. Iyun pala, nagsisimula pa lang ang buhay para sa kanya.

Si San Pablo ganito rin ang paglalarawan niya sa wakas ng panahon. Sabi niya sa Romans 8:19, “Ang sangnilikha ay sabik na naghihintay sa pagkakabunyag ng mga anak ng Diyos.” At sa v.22, sabi pa niya “Ang buong sangnilikha ay dumaranas ng paghilab tulad ng babaeng nanganganak.”

Noong isilang tayo sa mundo, para din tayong namatay sa dating buhay na alam natin, buhay sa sinapupunan. Kung lahat tayo ay dapat palang isilang na muli, ibig sabihin praktisado na tayo. Hindi pala natin dapat ikatakot ang hilab ng pagsilang. Ang hinaharap natin ay hindi wakas kundi bagong simula, hindi kamatayan kundi mas higit pang buhay mula sa pagiging mga anak ng tao tungo sa pagiging mga anak ng Diyos.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 25,883 total views

 25,883 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 40,539 total views

 40,539 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 50,654 total views

 50,654 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 60,231 total views

 60,231 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 80,220 total views

 80,220 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

“IGLESIA SIN FRONTERAS”

 7,256 total views

 7,256 total views (CHURCH WITHOUT BORDERS/ BOUNDARIES) Homily for the 26th Sun in Ordinary Time (B), 29 September 2024, Mark 9:38-43, 45, 47-48 In today’s Gospel, Jesus is telling us something that we may find disturbing. Perhaps as disturbing as the words Pope Francis said when he visited Singapore recently, about other religions as “paths to

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG PAG-IISIP NG DIYOS

 9,386 total views

 9,386 total views Homily for 24th Sun in Ordinary Time, 15 September 2024, Mk 8:27-35 Napagsabihan si Pedro sa ebanghelyo ngayon. Hindi daw ayon sa pag-iisip ng Diyos ang pag-iisip niya kundi ayon sa pag-iisip ng tao. Kung ako si Pedro baka nakasagot ako ng ganito: “with all due respect, Lord, paano akong mag-iisip na katulad

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG KRUS NA SALAMIN

 9,385 total views

 9,385 total views Homiliya para sa Novena ng Santa Cruz, Ika-13 ng Setyembre 2024, Lk 6:39-42 Ewan kung narinig na ninyo ang kuwento tungkol sa isang taong mayaman ngunit makasarili. Dahil guwapo siya, matipuno at malusog ang katawan bukod sa successful sa career, mahilig daw siyang tumingin sa salamin para hangaan ang sarili. Minsan isang gabi,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

LAW OF MOTION

 9,387 total views

 9,387 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ika-23 Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Setyembre 2024, Lukas 6:27-38 Ang ebanghelyo natin ngayon ang siya na yatang pinakamahirap na doktrina ng pananampalatayang Kristiyano: MAHALIN ANG KAAWAY. Ito ang tunay na dahilan kung bakit nasasabi natin na MAS RADIKAL ANG MAGMAHAL. Mahirap kasing totohanin. Mas madali ang gumanti,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

OPIUM OF THE PEOPLE

 9,383 total views

 9,383 total views Homily for Wed of the 23rd Wk in OT, 11Sept 2024, Lk 6:20-26 “It’s ok to suffer poverty and humiliation now. Anyway you will enjoy plenty and satisfaction in the hereafter…” Some Christians hold on to this kind of doctrine about a heavenly reward awaiting those who have suffered hell on earth. Is

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAPAPANAHON

 10,255 total views

 10,255 total views Homily for the 23rd Sunday in Ordinary Time, 08 September 2024, Mark 7:31-37 Isang kasabihan sa Bibliya, ang chapter 3 ng Ecclesiastes ang pagkukuhanan natin ng inspirasyon para sa ating pagninilay sa ebanghelyo ngayon. “May tamang panahon para sa lahat ng bagay, panahon para sa bawat gawain sa mundong ibabaw…May panahon daw para

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PANININDIGAN

 12,457 total views

 12,457 total views Homiliya para sa Ika-21 Linggo ng Karaniwang Panahon, 25 Agosto 2024, Juan 6: 60-69 Sa Misang ito ng ating Paggunita kay Santa Clara ng Assisi pagninilayan ang pagiging huwaran niya sa SAMA-SAMANG PAGLALAKBAY TUNGO SA KAGANAPAN NG BUHAY. Isa siya sa mga unang nagpahayag ng suporta kay Saint Francis nang talikuran nito ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKITA KITA

 12,490 total views

 12,490 total views Homiliya para sa Kapistahan ni San Bartolome, 24 Agosto 2024, Jn 1:45–51 “Bago ka tinawag ni Felipe NAKITA KITA sa ilalim ng puno ng igos.” Iyun lang ang sinabi ni Hesus. Hanggang ngayon hinuhulaan pa ng mga Bible scholars kung bakit napakatindi ng epekto ng sinabing iyon ni Hesus kay Nataniel o Bartolome.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

DAMAY-DAMAY

 13,844 total views

 13,844 total views Homily for the Feast of the Queenship of Mary, 22 August 2024, Lk 1,26-38 Isa sa paborito kong kanta sa blockbuster comedy film “Sister Act” ni Whoopi Goldberg ay ang “Hail Holy Queen Enthroned Above”. Hindi alam ng marami na ang kantang iyon ay isa sa pinakamatandang panalangin tungkol kay Mama Mary. Kilala

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BAON SA BIYAHE

 14,940 total views

 14,940 total views Homily for the 20th Sunday in Ordinary Time, 18 August 2024, John 6: 51-58 Sa ating mga Katoliko, ang huling basbas sa mga malapit nang pumanaw ay hindi lamang sinasamahan ng kumpisal at pagpapahid ng langis. Kapag kaya pa ng maysakit, binibigyan siya ng komunyon at ang tawag dito sa wikang Latin ay

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MALASAKIT

 19,148 total views

 19,148 total views Homiliya sa Pyestang San Roque, 16 Agosto 2924, Mateo 25: 31-40 Isang art work ang tumawag-pansin sa akin minsan. Gawa ito sa brass o tanso, hugis-taong nakaupo sa isang park bench, dinadaan-daanan ng mga tao. Minsan tinatabihan siya ng mga gustong magselfie kasama siya. Malungkot ang dating ng sculpture na ito—anyo ng isang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PAGKAIN NG BUHAY

 14,867 total views

 14,867 total views Homily for the 19th Sunday in Ordinary Time, 11 August 2024, John 6:41-51 Kung minsan, may mga taong ayaw kumain, hindi dahil hindi sila nagugutom o wala silang ganang kumain kundi dahil wala na silang ganang mabuhay. Ganito ang sitwasyon ng propeta sa ating unang pagbasa ngayon. Nawalan na ng ganang mabuhay si

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

HANAPBUHAY

 16,236 total views

 16,236 total views Homiliya para sa ika-18 Linggo ng Karaniwang Panahon, 4 Agosto 2024, Juan 6:24-35 Sa Tagalog, “hanapbuhay” ang tawag natin sa trabahong pinagkakakitaan ng pera. Pero kung pera pala ang hinahanap, bakit hindi na lang tinawag na “hanap-pera” ang trabaho? Narinig ko ang sagot sa isang kargador sa palengke. Kaya daw hanapbuhay ang tawag

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MISSIONARY

 16,498 total views

 16,498 total views Homily for the Ordination of Hien Van Do, MJ and Dao Minh Pham MJ to the Presbyteral Ministry, 03 August 2024, Jn 15:9-17 87 MJ is your nomenclature for your identity as consecrated persons. Missionaries of Jesus. Let me share some thoughts on what, basically it means to be Missionaries of Jesus. It

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKATATANDA

 25,191 total views

 25,191 total views Homiliya para sa World Day for Grandparents, 27 Hulyo 2024, Ika-17 Linggo ng Karaniwang Panahon, Juan 6:1-15 Ipinagdiriwang natin ngayon ang World Day for Grandparents and the Elderly. Ano sa Tagalog ang ELDERLY? NAKATATANDA. Kaya nagtataka ako kung bakit ina-associate ang pagiging matanda sa pagiging ulyanin o makakalimutin, gayong eksaktong kabaligtaran ang ibig

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top