Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pag-asa sa harap ng climate change

SHARE THE TRUTH

 361 total views

Mga Kapanalig, may mahalagang pagtitipon ng mga bansa kamakailan na nagbunga ng isang mahalagang kasunduan. Ito ay ang Conference of Parties 27 (o COP 27) ng United Nations Climate Change Conference. Sa pagtatapos ng COP 27 noong isang linggo, nagkasundo ang mga bansang naroon na lumikha ng isang pondo upang tulungan ang mga bansang higit na naaapektuhan ng mga pinsalang dala ng climate change.  Lumalabas nga sa mga pag-aaral na 70% ng mga taong pinakaapektado ng climate change ay nasa Timog Silangang Asya, at kasama rito ang Pilipinas.

Ang kasunduang lumikha ng tinatawag na loss and damage fund ay matagal nang itinutulak ngunit ngayon lamang napagdesisyunang ituloy. Nangako rin ang mga mayayamang bansang pinakaresponsable sa mga carbon emissions, na siyang sanhi ng pag-init ng daigdig, na dagdagan ang kanilang mga ginagawa upang lumipat sa tinatawag na low-carbon economy.  Ang mga hakbang na ito ay tila pagtalima sa itinuturo ng ating Simbahan, partikular sa Laudato Si’, na ang klima ay nasa pangangalaga ng lahat.

Sa kabila ng mga ganitong positibong hakbang upang mabawasan ang pinsala sa ating planeta at protektahan ang pinakamahihina at mahihirap na mga bansa, marami pa rin ang hindi kumbinsidong tutuparin ng mayayamang bansa ang kanilang mga ipinangako. Noon pa raw dapat ginawa ang mga hakbang na ito dahil ngayon ay mas mahirap nang pigilan ang pag-init ng mundo. Maging si UN Secretary-General Antonio Guterres ay nagsabing ang ating mundo ay mistulang bumibiyahe sa “highway to climate hell” ngunit lalo pa nitong binibilisan ang takbo ng sasakyan nito.

Sa isang banda, may pangamba at kawalan ng tiwala sa kakayahan ng mga bansang gawin ang dapat sana nilang gawin upang mabawasan ang mga panganib na dala ng climate change. Sa kabila naman, may nabuksang pag-asa sa kahandaan at pangako ng mga bansang may gawin upang tulungan ang mga bansang mahihina at patuloy na nasasalanta ng climate change.  Alin kaya ang ating pipiliin?

Nagsimula na ang panahon ng Adbiyento sa kalendaryo ng ating liturhiya. Sa ating pananampalatayang Katoliko, ikinakabit natin ang Adbiyento sa paghihintay, sa pag-antabay na may pag-asa sa pagsasakatawang-tao ng ating Panginoong Hesus upang makiisa sa ating buhay sa mundong ito. Tuwing Adbiyento, ginugunita at isinasabuhay natin ang pag-asang dala ng Kanyang pagsilang sa ating mundo upang isakatuparan ang pagliligtas Niya sa atin mula sa kasalanang nagdudulot ng paghihirap sa ating buhay.

Hindi nga ba’t ang mga pinsalang dala ng climate change ay bunga ng kasalanan ng tao? Ang walang habas na pagsira sa kalikasan upang magkamal ng yaman ang iilan ay ang ugat ng paghihirap ng nakararami ngayon. Hindi rin kaya maaaring maganap ang patuloy na pagliligtas sa atin ni Hesus mula sa kapahamakang dulot ng pagsasalaula ng kapaligiran sa pamamagitan ng mga taong may mabuting kalooban? May puwang ba sa ating mga puso ang pag-asa sa patuloy na pagkilos ni Hesus sa kasaysayan sa pamamagitan ng mga taong may mabuting kalooban?

Kaya ba nating manalig sa sinasabi ng Ebanghelyo ni San Juan na “sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya’t ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan”? May sapat kayang sumasampalataya sa Kanya sa mga bansang nangakong gawin ang mga nararapat upang bawasan ang pagsira sa ating mundo at tulungan ang mga nasasalanta ng climate change?

Mga Kapanalig, may kasabihan tayong ang pagkapit sa pag-asa ay isang desisyon. Ito ay isang desisyong magtiwalang magwawagi ang kabutihan sa kasamaan. Nawa’y ang Adbiyento ay maging panahon ng pagsasabuhay ng tiwalang ito at ng pag-asa sa kabutihan ng tao para ibsan ang pagtangis ng ating nag-iisang tahanan.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 33,289 total views

 33,289 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 47,945 total views

 47,945 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 58,060 total views

 58,060 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 67,637 total views

 67,637 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 87,626 total views

 87,626 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mapa ng bansa

 33,290 total views

 33,290 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam, POGO!

 3,187 total views

 3,187 total views Mga Kapanalig, isa sa mga pinakapinalakpakan noong ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM ang pagbabawal sa Philippine offshore gaming operations (o POGO). Sangkot daw ang mga ito sa mga ilegal na gawaing walang kinalaman sa paglalaro o pagsusugal. Naging instrumento na rin daw ang mga POGO ng scamming,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 47,946 total views

 47,946 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 58,061 total views

 58,061 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 67,638 total views

 67,638 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 87,627 total views

 87,627 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 48,915 total views

 48,915 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 43,940 total views

 43,940 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 47,509 total views

 47,509 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 59,964 total views

 59,964 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 71,031 total views

 71,031 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 77,350 total views

 77,350 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 81,960 total views

 81,960 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 83,520 total views

 83,520 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 49,081 total views

 49,081 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top