Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Isang mundong walang diskriminasyon

SHARE THE TRUTH

 505 total views

Mga Kapanalig, malayo pa ang ating tatahakin upang makamit ang isang mundong walang diskriminasyon. Marami tayong ginagamit na batayan upang husgahan ang ating kapwa, at kabilang dito ang pagkakaiba-iba sa kasarian at sekswal na oryentasyon.

Noong isang linggo, isa na namang insidente ng pamamaril ang naganap sa Amerika, at sinasabing ito ay hate crime o krimeng bunsod ng pagkamuhi sa mga miyembro ng tinatawag na LGBTQ+ (o lesbian, gay, bisexual, transgender, queer, at iba pa). Isang lalaki ang namaril sa loob ng isang club kung saan nagtipun-tipon ang mga miyembro ng LGBTQ+ sa Colorado. Naganap ang krimen kasabay ng paggunita ng mga dumarayo sa club sa Transgender Day of Remembrance. Taunan ang paggunitang ito upang alalahanin ang mga pinatay dahil sa hindi tanggap ang kanilang kasarian. Okasyon din ito upang manawagang ihinto na ang mga karumal-dumal na krimeng bumibiktima sa mga LGBTQ+. Sa nasabing pamamaril, lima ang patay at 29 ang sugatan. Malaki ang pasasalamat ng mga naroroon sa club sa dalawang customers na naglakas-loob na pigilan ang namaril. Patuloy namang nagdadalamhati ang mga miyembro ng LGBTQ+ sa Colorado, kasama na ang mga nagmamahal sa kanila at mga naniniwalang walang puwang sa isang sibilisadong lipunan ang karahasan.

Dito sa Pilipinas, makikita ang mababang pagtingin maging ng mga nasa pamahalaan sa mga miyembro ng LGBTQ+. Sa isang pagdinig noong nakaraang linggo, naging tampulan ng pangungutya ang mga miyembro ng LGBTQ+ na dumalo noon upang ipaliwanag kung bakit kailangan ang isinusulong nilang Anti-Discrimination Bill. Nariyang pinuná ng chairperson mismo ng House Committee on Human Rights ang isang transgender na para bang sinasabing hindi angkop ang kanyang itsura sa kanyang kasarian.

Bagamat hindi lahat sa ating mga Katoliko ay sang-ayon sa panukalang batas na isinusulong ng mga kasapi ng LGBTQ+, naniniwala tayong mali ang pambabastos sa kanilang pagkatao gamit ang mga birong wala sa lugar. Ang hindi pagkakasundo sa mga usaping pampatakaran ay hindi dapat nauuwi sa pangungutya at sa personalan. Higit sa lahat, dapat nating kundenahin ang karahasan at krimeng ginagawa sa kanila dahil lamang sa kanilang piniling uri ng pamumuhay, pagkakakilanlan, at mga paninindigan sa buhay.

Bagamat masalimuot at kontrobersyal na usapin ang gender sa ating Simbahan, malinaw sa ating mga katuruang ang bawat tao ay nilikha ng Diyos nang may dignidad. Bawat isa sa atin, anuman ang kasarian, pamamaraan ng pananalita o pananamit, ay nilikhang kawangis ng Diyos. Hindi mababago ng kahit sino o ng anumang institusyon ang katotohanang ito. Bawat tao ay mahal at tanggap ng Diyos. Sa pamamagitan ng pagkilala sa katotohanang lahat tayo ay may dignidad, makakamit natin ang kabutihang panlahat at tunay na maitataguyod ang dignidad bawat tao.

Katulad din ng isinagot ni Pope Francis nang tanungin siya kung ano sa kanyang pananaw ang pinakamahalagang mabatid ng mga kasapi ng LGBTQ+ tungkol sa Diyos, tandaan nating walang itinatakwil na mga anak ang Diyos. Hangad Niyang maging malapít, mahabagin, at mapagkalinga sa lahat. Kaya sa halip na maging instrumento ng panghuhusga, tayong mga mananampalataya ay inaanyayahang iparamdam sa ating kapwa ang walang pinipiling pagmamahal ng Diyos—ang Diyos na nagkatawang-tao ngunit namatay sa krus para sa katubusan nating lahat, ang Diyos na nagwika sa Juan 15:17 na mahalin natin ang isa’t isa.

Paano natin ito naipapakita sa ating kapwa, lalo na sa mga miyembro ng LGBTQ+? Humahakbang ba tayo patungo sa isang mundong kinikilala ang dignidad ng lahat ng tao, sa isang mundong walang diskriminasyon?

Mga Kapanalig, huwag na natin sanang hintayin pang lumaganap sa Pilipinas ang mga hate crimes na bumibiktima sa mga miyembro ng LGBTQ+ sa Amerika bago natin makitang ang diskriminasyong batay sa kasarian ay salungat sa pag-ibig na nais ng Diyos na isabuhay natin.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 25,742 total views

 25,742 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 40,398 total views

 40,398 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 50,513 total views

 50,513 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 60,090 total views

 60,090 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 80,079 total views

 80,079 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mapa ng bansa

 25,744 total views

 25,744 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam, POGO!

 2,714 total views

 2,714 total views Mga Kapanalig, isa sa mga pinakapinalakpakan noong ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM ang pagbabawal sa Philippine offshore gaming operations (o POGO). Sangkot daw ang mga ito sa mga ilegal na gawaing walang kinalaman sa paglalaro o pagsusugal. Naging instrumento na rin daw ang mga POGO ng scamming,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 40,400 total views

 40,400 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 50,515 total views

 50,515 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 60,092 total views

 60,092 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 80,081 total views

 80,081 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 48,284 total views

 48,284 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 43,309 total views

 43,309 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 46,878 total views

 46,878 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 59,333 total views

 59,333 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 70,400 total views

 70,400 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 76,719 total views

 76,719 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 81,330 total views

 81,330 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 82,890 total views

 82,890 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 48,451 total views

 48,451 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top