2,081 total views
‘Forever is not impossible, but Himpossible.’
Ito ang binigyang-diin ni Fr. Joel Jason sa ginanap na 6th Family and Life Conference sa St. Scholastica’s College.
Ayon kay Fr. Jason, commissioner ng Archdiocese of Manila-Commission on Family and Life, ang buhay mag-asawa ay tila ‘love triangle’ dahil hindi lamang ito nakatuon sa pagitan ng lalaki at babae kundi kasama ang Panginoon.
Paliwanag ng pari na ang pag-ibig ng Diyos ang dahilan ng pagmamahalan ng bawat miyembro ng pamilya na nakatutulong din para naman sa pagkakaroon nang maayos at maunlad na lipunan.
“If we rely only on our own power, the forever that marriage demands are difficult, if not impossible. But if we place ourselves under the aegis of God’s power, then it will become possible. It will become Himpossible.” pagbabahagi ni Fr. Jason.
Sinabi naman ng pari sa mga dumalo sa pagtitipon na huwag sanang maging balakid sa pagbuo ng maayos na pamilya ang mga nagaganap na suliranin at krisis sa lipunan.
Hiling ni Fr. Jason na nawa’y ang mga pangyayaring ito ang mas mag-udyok sa bawat pamilya na magkaroon ng mga anak na pinalaking mabuti sa kapwa at mayroong takot sa Diyos dahil ang mga ganitong katangian ang kailangan ngayon ng lipunan
“Do not dream of a better world for your children. Dream of rearing and raising better children for the world… If we focus on our own families and raise good children, these are the people who will transform society and celebrate the family as God envisions it today.” ayon kay Fr. Jason.
Tema ng 6th Family and Life Conference ang ‘What’s forever for? The Family: Called, Celebrated, Commissioned.
Binigyang diin ni Pope Francis sa kanyang ensiklikal na Amoris Laetitia ang kahalagahan ng buo at masayang pamilya sa pagtataguyod ng maayos at maunlad na lipunan, dahil ang maliliit na mga pamilya ang siyang magbibigay buhay sa isang masiglang sambayanan.