133 total views
Hinamon ng Department of Interior and Local Government ang mga Lokal na pamahalaan sa bansa na simulan ang pagbabago at magbahagi sa kanilang kapwa LGUs.
Kaugnay dito, hinimok ni DILG Secretary Ismael Sueno ang mga LGU na makibahagi sa Innovative Solutions Bank ng Local Government Academy na layuning pabilisin ang koleksyon, pamamahagi at paglikha ng mga solusyon para sa mga problemang kinakaharap ng lokal na pamahalaan.
“LGUs and the sovereign Filipino citizenry are in better times nowadays. Exemplar LGUs can systematically share their process of local governance best practice to replicating LGUs through the Innovative Solutions Bank. This is a manifestation of being partners for change with compassion (malasakit),” pahayag ng kalihim.
Dito sasailalim sa pagsasanay ang mga LGU upang matutunan nitong gayahin ang mabubuting polisiya at proyekto ng iba pang lokal na pamahalaan kung saan ang pagtutulungan ay isang mabuting panimula para sa darating na bagong taon.
“Let’s start the incoming year with the spirit of sharing and caring for an inclusive nation-building,” dagdag pa nito.
Samantala, hinimok rin ng kalihim ang mga Senior Local Government Officials na magbahagi ng karanasan sa mga Newly Elected Officials o NEO.
Ayon kay Sec. Sueno, sa ilalim ng programa ng LGA na “Mentoring for Optimal Leadership and Development,” o “MOLD the NEOs Program” ay malilinang ang leadership skills ng mga bagong opisyal at matututo ang mga ito ng bagong istratehiya sa pamamalakad ng komunidad.
Dagdag pa ni Secretary Sueno, sa pamamagitan ng pagbabahaginan ng oras at kasanayan ay maihahatid sa mamamayan ang tunay na serbisyong pagbabago.
“Let us share what’s within our capability to bring about real change. I call on our more knowledgeable and experienced local officials to share their time and expertise to the NEOs,” pahayag ni Sec. Sueno.
Sa tala ng National Statistics Authority mayroong 1,490 munisipalidad sa bansa na binubuo naman ng 42, 065 mga Barangay kung saan una na silang hinihikayat ng Kanyang kabanalan Francisco na magkaisa at itaguyod ang mabuti para sa nakararami upang mapaunlad ang lahat sa komunidad.