Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 1,074 total views

2nd Sunday of Advent

Catholic Handicapped Day & National Aids Sunday

Is 11:1-10 Rom 15:4-9 Mt 3:1-12

Napakinggan natin kanina kay San Pablo: “Anumang nasa kasulatan noong una ay nasulat upang matuto tayo, sapagkat lumalakas ang ating loob at nagkakaroon ng pag-asa kapag binabasa natin ang mga aral na matatagpuan dito.” Ngayong Linggo pinipresenta sa atin ng Biblia ang dalawang gabay sa panahon ng Adbiyento upang matuto tayo paano tanggapin si Jesus. Ang una ay si propeta Isaias at ang pangalawa ay si San Juan Bautista. Si propeta Isaias ay nagbibigay ng pag-asa at si San Juan Bautista ay nabibigay ng hamon.

Ang darating ay galing sa lahi ni Jesse ayon kay Isaias. Si Jesse ay ang tatay ni David. Ang batang darating ay isang hari na pinupuspos ng Banal na Espiritu kaya nasa kanya ang mga biyaya ng katalinuhan, ng kaalaman, ng karunungan, ng kalakasan at pagkatakot sa Diyos. Ginagamit niya ang mga biyayang ito upang ipagtanggol ang karapatan ng mga kawawa, upang bigyan ng katarungan ang mga mahihirap, at upang hatulan ng parusa ang mga malulupit at mayayabang na makapangyarihan. Hindi ba ito ang hinahangad-hangad natin na maayos at makatarungang pamumuno? May pag-asa tayo na ito ay darating kasi ito ay pangako ng Diyos. Asahan natin ito.

Itong uri ng pamumuno ang dadalhin ni Jesus pagdating niyang muli. Kaya nga ang adbiyento ay panahon ng pag-asa. Sa pamamahala ng haring ito, wala nang alitan at patayan. Ang mundo ay magiging parang isang bundok ng Diyos na ang mga magkaaway ay magkasama-sama na walang gulo: ang leon at ang kambing, ang baka at ang oso, ang asong-gubat at ang kordero, ang bata at ang ahas. Sama-sama silang maglalaro at magiging masaya, para bang ang taga-Ukraine at Russians ay sama-sama nang magsasayaw, ang mga Palestinians at mga Hudyo ay maglalaro ng basketball, ang mga military at mga NPA ay nagsising-along.

Hindi ba magiging maganda ang mundong ito? Paano mangyayari ang mga ito? Kung ang buong mundo ay mapupuno ng pagkilala sa Panginoong Diyos tulad na ang dagat ay puno ng tubig. Ang pagkilala sa Diyos ay ang magdadala ng kapayapaan at katarungan. Umasa tayo na ang ating pagpapahayag ng mga aral ng Diyos ay magbibigay ng magandang pagpapanibago sa mundo. Kaya mahalaga ang papel ng mga katekista, ng mga preachers, ng mga pari at mga tagapagturo tungkol sa Diyos.

Si Juan Bautista naman ay nagbibigay ng hamon sa atin. Hinahamon tayo na magbago, na magsisi. Nalalapit nang maghari ang Diyos. Tanggapin natin ang paghahari niya ng buong pananabik. Tanggalin natin ang anumang hadlang sa kanyang pagdating sa ating buhay. Kaya tuwirin na ang ating buhay. Ipakita natin ang ating pagsisisi sa pagbabago ng ating buhay. Hindi lang iwasan ang kasamaan. Mamunga na rin tayo ng kabutihan. Nakaabang na ang palakol sa ugat ng punongkahoy. Ang hindi namumunga ng kabutihan ay puputulin at ihahagis sa apoy. Hawak na niya ang kalaykay upang ihagis sa apoy ang mga dayami, iyong mga walang kwenta. Pero iyong mga palay, iyong mga bunga ng kabutihan ay dadalhin sa kanyang kamalig. There is a sense of urgency. Ngayon ay kumilos na tayo. Huwag nang ipasabukas pa ang paggawa ng kabutihan.

Kung ibig natin na maging masaya ang pasko natin, pinaghahandaan na natin ito. Pinagplaplanuhan na natin ang ating Christmas party. Bumibili na ng mga regalo. Nagdedecorate na ng mga bahay. Iyan ay para sa pagdiriwang ng pasko na pansamantala lang. Ano kaya ang permanenteng pagdating ni Jesus sa ating buhay? Hindi niya ipinaalam kung kailan ito upang palagi tayong maging handa, palagi tayong kumikilos at hindi nagpapabaya.

May isa pang gabay sa ating paghahanda. Iyan ay si Maria, ang Ina ni Jesus. Wala nang mas handa pa sa pagtanggap ng anak kaysa ang kanyang ina. Hindi lang si Maria handa. Inihanda siya ng Diyos. Sa darating na Huwebes, December 8, ipagdiriwang natin ang dakilang kapistahan ng Imaculada Concepcion. Ang ibig sabihin ng kapistahang ito ay si Maria ay ipinaglihi na walang kasalanan. Hindi nadagtaan ang laman ni Maria ng kasalanan mula pa sa simula ng kanyang buhay.

Ito ay isang biyaya sa kanya. Diyos lang ang maaaring gumawa nito dahil sa papel na gagampanan niya para sa magiging anak niya. Kukuha ang Anak ng Diyos ng kanyang lamang tao kay Maria. Mananatili ang Anak ng Diyos sa kanyang tiyan ng siyam na buwan. Nararapat lang na ang katawan niya ay hindi napailalim sa kasamaan. Kaya inihanda si Maria ng Diyos para sa kanyang misyon, kaya ang unang bati ng anghel Gabriel sa kanya ay PUNO KA NG GRASYA, at si Maria naman ay nakiisa sa plano ng Diyos noong ito ay ipaalam sa kanya. Kung si Maria ay tinulungan ng Diyos upang marapat niyang tanggapin si Jesus, tumutulong din si Maria sa atin na tanggapin natin si Jesus sa muling pagdating niya. Kaya tumingala at lumapit tayo kay Maria sa ating pag-aabang kay Jesus. Dakilang kapistahan ang Imaculada Concepcion sa Pilipinas. Kaya holiday ito. Ipangilin natin ito. Magsimba tayo sa December 8.

Ngayong Linggo sa ating simbahan ay ang Handicapped Sunday at National HIV-AIDS Sunday. Pinapaala-ala sa atin na dapat nating kalingain ang mga kapatid natin na madalas naisasantabi natin – iyong may mga kapansanan at may HIV. Kung minsan nga, kahit na sa kanilang pamilya sila ay hindi nabibigyan ng nararapat na pagkalinga kasi iba sila, hindi sila nakakasabay sa ordinaryong takbo ng buhay – maging ang kapansanan ay physical o mental, maging ito ay permanente o pansamantala lang. Ano man ang kakayahan nila, at may kakayahan sila pero iba lang sa atin kaya tinatawag silang, differently abled, sila ay nilikha ng Diyos na kawangis niya. Sila ay niligtas ni Kristo at sila ay para din sa langit. Anumang pagpapahalaga natin sa kanila ay pagpapahalaga din kay Kristo.

Isa pang kalagayan ng mga tao na tinatago natin ay ang sakit na HIV-AIDS. Ito po ay isang sakit na wala pang lunas. Pero ito ay maiiwasan kung ang lifestyle natin ay sumusunod sa ABC: A – abstinence, iwas sa pakikipagtalik sa iba. B – Be faithful, maging tapat ka sa iyong asawa, isang partner lang. C – chastity, maging dalisay sa iyong mga relasyon sa iba. Huwag din nating ituring na parusa ang may HIV. Huwag natin silang husgahan, kasi nakukuha din ito sa iba pang paraan at hindi lang sa sex. At ang lahat ng may sakit ay ating tinutulungan, anuman ang dahilan ng kanilang pagkakasakit. Kaya umiwas sa uri ng pamumuhay na maaaring magdala sa atin ng HIV at tulungan natin ang may sakit na ganito. Ito rin ay paraan na pagtanggap natin kay Kristo.

Dumadating si Jesus sa iba’t-ibang paraan sa ating buhay. Anuman ang paraan at ang kanyang anyo sa kanyang pagdating sa atin, masaya natin siyang tanggapin at paglingkuran.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 35,267 total views

 35,267 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 49,923 total views

 49,923 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 60,038 total views

 60,038 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 69,615 total views

 69,615 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 89,604 total views

 89,604 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily November 3, 2024

 5,791 total views

 5,791 total views 31st Sunday of Ordinary Time Cycle B Dt 6:2-6 Heb 7:23-28 Mk 12:28-34 Ang lumapit kay Jesus ay isang eskriba. Ang eskriba ay ang mag-aaral sa mga kasulatan ng mga batas sa Israel. Trabaho nila ang kumopya ng manuscripts upang ipalaganap ang batas ni Moises. Wala namang printing press noon. Ang lahat ay

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 27, 2024

 6,888 total views

 6,888 total views 30th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prison Awareness Sunday Jer 31:7-9 Heb 5:1-6 Mk 10:46-52 “Humayo ka. Magaling ka na dahil sa iyong pananalig.” Ito ang sinabi ni Jesus kay Bartimeo, isa bulag na namamalimos lang sa tabi ng daan. Nagbago ang buhay niya dahil sa kanyang pananalig. Marami ang nagagawa ng

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 20, 2024

 12,493 total views

 12,493 total views 29th Sunday of Ordinary Time Cycle B World Mission Sunday Is 53:10-11 Heb 4:14-16 Mk 10:35-45 Sino ba sa atin dito ang ayaw maging dakila? Hindi ba gusto naman natin na maging dakila? Hindi naman masama ito. Dapat naman magkaroon tayo ng pangarap sa buhay. Kung wala tayong pangarap, maging papataypatay na lang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 13, 2024

 9,963 total views

 9,963 total views 28th Sunday in Ordinary Time Cycle B Indigenous People’s Sunday Extreme Poverty Day Wis 7:7-11 Heb 4, 12-13 Mk 10:17-30 Nakakahanga ang binatang lalaki sa ating ebanghelyo. Patakbo siyang lumapit kay Jesus. Masigla siyang nagtanong kay Jesus. Lumuhod pa siya sa harapan ng Panginoon. Ang kanyang tinanong ay hindi ordinaryong kahilingan. “Ano ang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 6, 2024

 12,011 total views

 12,011 total views Homily October 6, 2024 27th Sunday of Ordinary Time Cycle B Gen 2:18-24 Heb 2:9-11 Mk 10:2-16 Naniniwala ba kayo na alam ng Diyos ang ginagawa niya? Siyempre, Diyos yata siya. Naniniwala ba kayo na mabuti sa lahat ang ginagawa ng Diyos? Siyempre, Diyos yata siya at mabait siya. Hindi naman siya gumagawa

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 29, 2024

 13,339 total views

 13,339 total views 26th Sunday in Ordinary Time Cycle B National Seafarers’ Sunday Migrants Sunday Num 11:25-29 James 5:1-6 Mk 9:38-43.45.47-48 Isa sa katangian ng ating mundo ngayon ay GLOBALIZATION. Nararanasan natin na iisang mundo na lang tayo. Madali ang contact natin sa ibang bansa, sa ibang lahi, sa ibang kultura at sa ibang mga produkto

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 22, 2024

 17,585 total views

 17,585 total views 25th Sunday in Ordinary Time Cycle B Wis 2:12.17-20 James 3:16-4:3 Mk 9:30-37 Si Jesus ay kilalang guro dahil sa nakikita ng marami na binibigyan niya ng panahon ang pagtuturo at nagsisikap naman siyang gumamit na iba’t-ibang paraan upang maintindihan ng mga tao ang tinuturo niya. Tinuturuan ni Jesus ang lahat ng mga

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 15, 2024

 18,013 total views

 18,013 total views 24th Sunday of Ordinary Time Cycle B National Catechetical Day Is 50:5-9 James 2:14-18 Mk 8:27-35 “Lumayo ka, Satanas! Ang iniisip mo ay hindi sa Diyos kundi sa tao.” Sino ang sinabihan nito ni Jesus? Si Pedro! Ang ibig sabihin ng salitang Satanas ay manunukso. Tinawag ni Jesus si Pedro na Satanas kasi

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 8, 2024

 19,073 total views

 19,073 total views 23rd Sunday of Ordinary Time Cycle B Is 35:4-7 James 2:1-5 Mk 7:31-37 Ngayong araw ay ang birthday ng ating Mahal na Ina. Happy birthday Mama Mary! Palakpakan natin siya. Pero dahil sa ngayon ay araw ng Linggo, ang mga panalangin at pagbasa natin sa Banal na Misa ay panlinggo. Ihingi natin kay

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 1, 2024

 20,383 total views

 20,383 total views 22nd Sunday of Ordinary Time Cycle B World Day of Prayer for the Care of Creation Deut 4:1-2.6-8 James 1:17-18.2-22.27 Mk 7:1-8. 14-15. 21-23 Ang Salita ng Diyos. Napakahalaga nito. Napakinggan natin ang pagbasa kanina mula sa sulat ni Santiago: “Niloob ng Diyos na tayo’y maging anak niya sa pamamagitan ng SALITA NG

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 25, 2024

 23,112 total views

 23,112 total views 21st Sunday of Ordinary Time Cycle C Jos 24:1-2.15-17.18 Eph 5:21-32 Jn 6:60-69 Kayong nandito na nagsisimba, kayo’y mga katoliko. Ang karamihan sa atin ay naging katoliko dahil sa ipinanganak tayo sa isang pamilyang katoliko. Pero bakit ba kayo nanatiling katoliko? Bakit ba kayo patuloy na nagsisimba at nakikiisa sa simbahan? Ito ba

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 18, 2024

 24,298 total views

 24,298 total views 20th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prov 9:1-6 Eph 5:15-20 Jn 6:51-58 “Mga kapatid, ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag kayong mga hangal. Unawain

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 18, 2024

 25,778 total views

 25,778 total views Homily August 18, 2024 20th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prov 9:1-6 Eph 5:15-20 Jn 6:51-58 “Mga kapatid, ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 11, 2024

 28,188 total views

 28,188 total views 19th Sunday in Ordinary Time Cycle B 1 Kgs 19:4-8 Eph 4:30-5:2 Jn 6:41-51 May mga panahon sa buhay na tayo ay nanghihina na o nalilito, at ayaw na nating magpatuloy sa ating ginagawa. Gusto na lang nating tumigil at tumalikod na lang. Nangyari ito kay propeta Elias. Kahit na mag-isang propeta lang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 4, 2024

 31,464 total views

 31,464 total views 18th Sunday of Ordinary Time Cycle B St. John Maria Vianney Sunday Ex 16:2-4.12-15 Eph 4:17.20-24 Jn 6:24-35 Hinahanap-hanap ba natin si Jesus? Saan natin siya hinahanap-hanap? Bakit natin siya hinahanap? Mabuti kung hinahanap natin si Jesus. Hindi natin siya dinideadma. Tulad tayo ng mga tao sa ating ebanghelyo. Hinahanap-hanap nila si Jesus.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top