254 total views
Nanalangin ang mga lider ng Simbahang Katolika na sa gitna ng pagkakahati ng bayan sa biglaan at palihim na paglilibing sa napatalsik na diktador dating pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga bayani manaig ang pag-ibig sa sambayanang Filipino.
Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos, chairman ng CBCP Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People, nawa tulungan tayo ng Diyos na magkaroon ng pag-asa sa gitna ng pagkakahati-hati at pagkalito.
Panalangin ni Bishop Santos na maghari ang Diyos sa puso ng bawat Filipino upang mapawi ang silakbo ng emosyon at maiwasan ang kagalit at paghihigante sa kapwa.
Ninanais ng Obispo na sa pamamagitan ng panalangin ay manaig ang kapayapaan sa puso ng mga Filipino upang maiwasan ang pananakit sa pamamagitan ng salita at gawa.
“Oh my Jesus, our Lord and King. You are our hope. Please help us from this moment of division and confusion. Heal us from hurts and make us whole again. Rule our hearts, and pacify our emotions. Hold our hands, and spare us from hurting one another with deeds and words. Reign over us, and lead us to renounce violence.” pahayag ni Bishop Santos.
Ipinagdarasal din ng Obispo na manaig pa ang katotohanan at katarungan sa mga nagawang kasalanan ng dating pangulo diktador sa taongbayan.
Hangad din ng Obispo na matanggap ng mga Filipino ang awa at habag ng Diyos at patuloy na huningi ng tawad sa Diyos para sa ating kamalian sa buhay.
“May we seek your truth and work for justice. May we be contrite with our sins and make reparations for our wrongdoings. Grant us your mercy that we may forgive and ask for forgiveness. And all we say, write and do may always be for Your glory, for the good of all, and also for our personal sanctification.” pahayag ng Obispo.
Kaugnay nito, ipinaalala ni Radio Veritas President Father Anton CT Pascual sa mga Filipino na “the wise forgives but will never forget”.
Hiniling din ng Pangulo ng Radio Veritas ang paghilom sa puso ng mga Filipino at kaluluwa ng bansa.
“Let the soul of the country move forward.Lets bury the dead in peace. The wise forgives but will never forget”. pahayag ni Father Pascual.
Sa pag-aaral ng Amnesty International, umaabot sa 70 libong tao ang ikinulong, 34 na libo ang biktima ng torture habang 3,240 ang napatay mula taong 1972 hanggang 1981 sa ilalim ng martial rule ni dating pangulong Marcos.