833 total views
Kapanalig, sa salitang Ingles, ang katagang “a seat at the table” ay karaniwan nating naririnig. Lalo siguro ngayong buwan ng kababaihan, mas magiging matunog ang katagang ito. Nangangahulugan kasi ito ng pagkakaroon ng boses sa lipunan. Nangangahulugan ito ng partisipasyon sa mga decision-making processes ng lipunan. We should give all women a seat at the table. Kailangan nating masiguro ang partisipasyon ng babae sa ating lipunan.
Sa ating bansa, mas literal ang kahulugan nito pagdating sa gender equality. Sa totoo lang, maraming mga kababaihan ang hindi man lang makaupo sa hapag-kainan ng pamilya dahil sila ang natokang magsilbi para sa lahat. Bata man o matandang babae, makikita natin na sila ang laging nakatayo, sinisigurado na nakakain ang lahat.
Kapanalig ang mga gawaing gaya nito na pwede sanang pagtulungan ng lahat ang literal na humahadlang sa partisipasyon ng mga kababaihan sa loob mismo ng kanilang tahanan. Natatali sila sa gawaing bahay at pangangalaga sa mga miyembro ng mga kabahayan kahit pa kayang kaya ng mga kaanak na gawin din ito. Kahit pa mas mapapadali ang gawain na ito kung magtutulungan ang lahat. Dahil dito, hindi na makakuha pa ng oras ang mga kababaihan na linangin ang kanilang sarili, sa pamamagitan ng training o pagsasanay o di kaya mula sa negosyo o trabaho.
Ayon nga sa UN women: from cooking and cleaning, to fetching water and firewood or taking care of children and the elderly, women carry out at least two and a half times more unpaid household and care work than men. As a result, they have less time to engage in paid labour, or work longer hours, combining paid and unpaid labour. Ayon pa sa isang pag-aaral, negatibo ang epekto sa mental health ng mga kababaihan ang unpaid housework sa hanay ng mga nagtatrabaho. Highly gendered ang unpaid labour housework. Ibig sabihin, kahit parehong nagtatrabaho, nasa balikat pa rin ng babae ang bulko ng gawaing bahay.
Kapanalig, hindi ba’t dapat na itong mabago? Sa isang lipunang malaya, bakit ang pananaw na ang gawaing bahay ay para sa babae lamang ay patuloy na umiiral? Kapanalig, kung nais natin ng tunay na makatarungan at pantay pantay na lipunan, dapat magsimula tayo sa ating mga tahanan. Bigyan natin ang kababaihan ng pwesto sa ating mga mesa.
Kinilala ni Pope Francis sa kanyang International Women’s day message noong 2019 ang “Irreplaceable contribution of women in building a world that can be a home for all.” Sana ganun din ang gawin natin. Magkaiba man tayo ng kasarian, magkaiba man tayo ng pagkakakilanlan, pero kapanalig, pareho tayong may dignidad. Kilalanin naman natin ang dignidad ng kababaihan.
Sumainyo ang Katotohanan.