3,422 total views
Inaasahang makatutugon ang panukalang P5.768-trillion 2024 national budget sa pagpapataas sa produksyon ng agricultural products tulad ng bigas at mais.
Ayon pa kay Speaker Martin Romualdez, makakatulong din ito na mapababa gastusin sa transportasyon.
“The national budget will provide increased allocations for the Department of Agriculture’s banner programs to boost the production of prime commodities such as rice, corn and high-value crops, and fisheries among others. Higher investments will also be provided for the construction of more fish ports and farm-to-market roads all over the country,” sabi ni Speaker Romualdez.
Aabot sa P181.4 B ang inilaan sa 2024 proposed budget mula sa dating P173.6 B noong 2023.
Habang tumaas naman ng 100 porsiyento ang inilaang pondo ng DBM para sa susunod na taon na nagkakahalaga ng P214.3 B mula sa dating P106 B.
Dagdag pa ni Romualdez na palalakasin din ng Build Better More Program ang mataas na investment sa imprastraktura para mapababa ang ng gastos sa transportasyon at logistics.
Kasama rin ayon kay Romualdez sa panukalang pambansang pondo ang alokasyon para sa programa ng mga lokal na pamahalaan sa agrikultura, fisheries, digitalization at infrasctructure development
Tema ng pambansang pondo ng Marcos Jr. administraton sa susunod na taon ay “Agenda for Prosperity: Securing a Future-Proof and Sustainable Economy.”
Nananatili pa ring prayoridad ng pamahalaan ang sektor ng edukasyon ayon sa Saligang Batas kung saan 16 porsyento ng kabuuang pambansang pondo ang inilaan o katumbas ng 3.3 percent na pagtaas sa alokayson.
Bunsod ito ng dagdag pondo para sa Basic Education Facilities Program, School-Based Feeding Program, instructional materials, at iba pang learning resources.”
“The health sector will have ample budget support for programs that provide accessible and inclusive public health services. Specifically, a higher allocation will be provided for the National Health Insurance Program, which aims to subsidize the health premiums of the vulnerable sector pursuant to the Universal Health Care Law,” diin ng House Speaker.
Nakapaloob din sa pondo para sa susunod na taon ang mas malaking budget para sa social protection gaya ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program, pensyon para sa indigent senior citizens at supplementary feeding o pamamagahi ng hot meals sa may dalawang milyong mahihirap na kabataan.
Popondohan din ng gobyerno ang renewable energy projects para punan ang 35-percent ng power mix pagsapit ng 2030, ay mapailawan ang laht ng barangays pagsapit ng 2028.
Kasama rin sa pinaglaanan ng budget ang mga bagong banner program ng pamahalaan gaya ng Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Program at Philippine Food Strategic Transfer and Alternative Measures Program maliban pa sa climate change programs at pagkamit ng bureaucratic efficiency at mas maayos na fiscal management
Bahagi rin sa national budget ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao at Marawi Siege Victims Compensation Program para tulungan ang mga residenteng biktima ng Marawi siege noong 2017.
Nagpapasalamat naman ang liderato ng kamara sa kagya’t na pagsusumite ng DBM sa pangunguna ni Budget Secretary Amenah Pangandaman sa national expenditure na magbibigay ng sapat na panahon para sa kamara na masusing pag-aralan ang proposed budget at mapagtibay ng kapulungan sa Oktukbre.