154 total views
Ito ang binigyan-diin ni Radio Veritas 846 President and Chief Operating Officer Father Anton Pascual sa panayam sa radio.
Iginiit ni Father Pascual na sagrado para sa Simbahan ang sex.
“But the church is against the of contraception since it will still promote causal/irresponsible sex among the youths.
For the church sex is sacred and must be shared only by responsible couple within marriage.”pahayag ni Father sa Radio Veritas
Mariin ding tinututulan ng pari ang gagawing pamamahagi ng Department of Health ng condoms sa mga paaralan upang mapigilan ang patuloy na pagtaas ng kaso ng HIV-AIDS sa bansa.
Nilinaw ng pari na suportado ng Simbahan ang education campaign ng DOH sa mga kabataan sa panganib na dulot ng irresponsible sex hindi ang pamimigay ng condoms na lalong magpalala sa pagkalat ng sakit.
“The Church is supporting the program of DOH in educating the youths especially 16-24 on the danger and evil of irresponsible sex that cause the spread of hiv/aids. But the church is against the of contraception since it will still promote causal/irresponsible sex among the youths”.paglilinaw ni Father Pascual
Tiniyak ng pari na ABC ang tanging sandata laban sa HIV-AIDS.
“We suggest ABC for the youth and the community to prevent hiv/aids
A-sexual abstinence outside Marriage
B-be faithful to one partner when married
C-conversion of heart to the value of love and sacredness of sex as a gift of God in marriage”
.paalala ni Father Pascual