415 total views
Hindi nagtatapos sa halalan ang pagbabantay ng sambayanan, kungdi ay magpapatuloy hanggang sa kanilang panunungkulan bilang mga halal na opisyal ng pamahalaan.
Ito ayon kay Caritas Philippines national director, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo na siyang pinuno ng Halalang Marangal 2022.
Ayon sa obispo, bukod sa pagbibigay ng voters’ education at pagbabantay sa botohan bahagi rin ng programa ng simbahan ang pagbabantay sa mga pangako ng mga kandidato na kanilang nilagdaan sa covenant signing sa pagitan ng Social Action Centers Good Governance ng CBCP sa iba’t ibang lalawigan.
“We will pursue our post-election program of making our leaders accountable to their promises, we will continuously publish and expose and disseminate information tungkol sa kanilang mga programang pangako at tungkol sa mga pinirmahan nilang mga kasunduan,” ayon kay Bishop BAgaforo.
Kabilang na ayon sa obispo ang pagpapatupad ng mga programa para sa kalikasan at ang paggalang sa karapatang pantao.
“Nawa’y magtulungan tayo let’s work together and always for the greater welfare of our people and our country,” dagdag pa ni Bishop Bagaforo.
Sinabi pa ng obispo na bagama’t magkakaiba ang pinanigang kandidato, ang mga nanalong pinuno ay magiging pinuno ng buong bansa na ang obligasyon ay tuparin ang pangako sa taong bayan.
Kabilang na ang pagsusulong na kabutihan para sa mas nakakarami.