13,076 total views
Kinilala ng Caritas Philippines – Alay-Kapwa Community Schooling (ACKS) Program ang pakikiisa ng private sector sa pagbibigay pagkakataon na makapagtapos sa pag-aaral ang mga out-of-school-youth.
Ito ay sa ginanap na ACKS Stakeholder Forum sa Quezon City na dinaluhan ng mga partner agencies, private companies at institutions na katuwang ng Alay-kapwa sa pagbibigay ng internship opportunities at trabaho sa mga kabataan.
Binigyan diin ni ACKS director Father Carmelo na mahalaga ang pagtutulungan katuwang ang private sector upang mai-ahon ang mga kabataan sa kahirapan sa tulong ng edukasyon at makapaghanap ng trabaho.
“I think ang katatagan at lakas nitong programang ito is yung network, sabi nga namin sa Caritas Philippines noong sinisimulan namin lahat ito, we want to build a network of compassion, kasi diba nasa sentro yan ng mabuting balita na panahon na ng kaharian ng Diyos na very compassionate na very caring na andito na, kita mo naman dito talagang network from church, from industry partners, from foundation, from education institution, di ba from mga communities natin sa simbahan, lahat naandito,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Fr.Caluag.
Ikinagalak din ni ACKS Program Manager – Benjamin Custodio na mayorya sa mga inimbitahang pribadong institusyon ay dumalo upang malaman ang mga programang nakapaloob sa ACKS.
Layon ng pagtitipon na mahimok ang private sector na maging bahagi ng pagpapaaral sa ga out-of-school-youths at magkaroon sila ng trabaho o kabuhayan sa hinaharap.
“Yung partnership with the industries kasi nakita din natin na saan pa pupunta yung mga learners off course pupunta rin sila sa workforce or maging negosyante sila later on, so kailangan natin na bumuo ng isang partnership sa mga industries para magbigay sa atin datos kung ano ba talaga yung kailangan ng industriya, para kung mayroon tayong sapat na datos at partners ng industries, kaya natin i-allign yung program natin or yung training programs para pagkatapos ng mga bata sa atin, ay pupunta sila doon sa mga industry partners,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Custodio.
Bukod sa mga partner organization na Magna Anima Teachers College, Unilab Foundation, Quezon City Local Government Units, Center For Integrated Stem Education o CISTEM at National Institute for Science and Mathematics Education Development, Department of Education-Alternative Learning System kabilang ang Diocese of Novaliches ay dumalo sa forum ang 17-pribadong kompanya.