471 total views
Kinondina ng sangay ng pontifical foundation ng Vatican na Aid to the Church in Need-Philippines ang Pentecost Sunday Mass Massacre sa Nigeria na naganap noong June 5.
Ayon kay Msgr. Gerardo Santos-acting president ng ACN Philippines, hindi katanggap-tanggap ang anumang uri ng karahasan na bumibiktima sa mga inosenteng sibilyan.
“There is no place for violence in the community of nations seeking peace and upholding justice. In the spirit of solidarity, Aid to the Church in Need Philippines is in communion with the Church in Nigeria in the wake of the recent attack [massacre] in the St Francis Catholic Church, prayers and supplications are offered to the Triune God,” ang bahagi ng pahayag ni ACN Philippines acting president Msgr. Gerardo Santos sa Radio Veritas.
Ayon sa ulat, pinagbabaril ng armadong grupo ang mga nagsisimba sa St. Francis Xavier Church sa Owo, Ondo State Nigeria kung saan nasa 50-katao ang nasawi kabilang na ang ilang mga bata.
Unang nagpaabot ng panalangin at pakikiisa ang Kanyang Kabanalan Francisco sa mga biktima ng Pentecost massacre at umaasa sa kahinahunan at katatagan ng loob ng mga naiwang pamilya gayundin ang panawagan ng katarungan sa mga nasawi at sugatan sa naganap na pamamaril.
Ang ACN ay isang organisasyon ng simbahan na ang panguhing gawain ay tumulong sa mga inuusig ng dahil sa pananampalataya sa buong mundo na itinatag noong 1947.
Ito rin ay kinilala bilang papal foundation noong 2011 at 2016 ng nagkaroon ng sangay sa Pilipinas at mapabilang sa 145 mga bansang kasapi