609 total views
Nanindigan si dating Department of Health Secretary Janette Garin na malinis ang hangarin ng dating administrasyon sa pamamahagi ng Dengvaxia.
Ayon sa dating kalihim, ginampanan lamang nito ang tungkulin na tulungan ang publiko laloāt tumataas ang kaso ng dengue noon sa bansa.
āMaliwanag po ang lahat ng nangyayari, malinis ang konsensya namin, wala kaming tinatago, walang nagkapera dito, ginagawa namin ang tungkulin in the name of public help.ā pahayag ni Garin sa Radio Veritas.
Itinanggi rin ni Garin ang paratang na ginamit ang Dengvaxia kahit hindi pa tapos ang trial period ng gamot at iginiit na mayroon itong Certificate of Product Registration mula sa Food and Drug Administration.
Nilinaw nito na may post marketing surveillance ang kumpanya at kilala ang Sanofi Pasteur na patuloy ang pagmomonitor sa kanilang mga produkto kahit nailabas na ito sa publiko.
Pagbabahagi pa ni Garin may 20 mga bansa kabilang ang Pilipinas kung saan pinahihintulutan ang pagbabakuna ng Dengvaxia at sinunod ang mga alintuntunin na nararapat sundin kung saan tanging Pilipinas lamang nagsuspendi sa vaccine.
Ikinalungkot din ni Garin ang epekto ng Dengvaxia fiasco kung saan tinanggihan ng mga magulang ang iba pang programang pamamakuna sa mga lokal na pagamutan dahil sa takot na nilikha ng mga nagpapanggap na eksperto.
Batay sa tala ng Department of Health umabot sa 800-libo ang mga kabataang naturukan ng kontrobersiyal na dengvaxia vaccine na nagkakahalagang 3.5 bilyong piso.
Naniniwala naman si Rev. Fr. Dan Cancino ang Executive Secretary ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Healthcare na dapat panagutin ang sinumang pinagmulan ng suliranin ng Dengvaxia at palawakin ng pamahalaan ang pagsisiyasat sa nasabing usapin upang lumabas ang katotohanan.