284 total views
Kinakailangang pakinggan at gamiting batayan ng Pamahalaan ang pananaw at pulso ng mga mamamayan sa usapin ng pag-amyenda sa 1987 Constitution.
Ito ang binigyang diin ni Sr. Mary John Mananzan, OSB – Co-Convenor of the Movement Against Tyranny kaugnay sa paninindigan ng mamamayan kaugnay sa pagsusulong ng kasalukuyang Administrasyong Duterte sa pagpapalit ng sistema ng Pamamahala sa Bansa mula sa Demokratiko patungong Federal Form of Government.
Iginiit ng Madre na hindi dapat balewalain ng Pamahalaan ang Pananaw at Opinyon ng mga mamamayan sapagkat malaki at mayroong Direktang Epekto ang pagpapalit ng paraan ng Pamamahala sa Bansa sa buhay ng bawat mamamayang Filipino.
Nangangamba si Sr. Mananzan na malaki ang posibilidad na tuluyan ng ipagsawalang bahala ng Pamahalaan ang posisyon ng mamamayan at igiit na walang sapat na pagtalakay at Konsultasyon sa mamamayan.
“Hindi ba nagkaroon na ng survey na 66 percent ayaw ng Federalism, bakit hindi sila makinig doon kung it is favorable to them the survey then they well say ‘ang taas-taas ng survey namin’ pero kapag ang survey is against what they want papaano yun diba? sa akin it is going to run done in our throats and people will not know what they are going to vote for.” pahayag ni Sr. Mary John Mananzan, OSB sa panayam sa Radyo Veritas.
Naunang kinundena ng Social Action Director ng Diocese of Legazpi na si Father Rex Arjona ang disinformation ng PTV4 at Bicol-PIA na sinasabing 6-libong Local Officials sa Bicol Region ang sumusuporta sa Federalismo.
Read more: Panloloko ng PTV4 sa saloobin ng taongbayan, kinondena ng isang Pari
Batay sa resulta ng pinakahuling isinagawang survey ng Social Weather Station tanging 25-porsyento lamang ng mga Filipino ang mayroong sapat na kaalaman tungkol sa isinusulong na Federal System of Government sa bansa.
Samantala, lumabas naman sa isinagawang Pulse Asia Survey na 66-na-porsyento ng mga Filipino ang tutol sa pagpapalit sa kasalukuyang Unitary System of Government ng Bansa sa Federal form of government.
Unang nanawagan si Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo na bilang isang mabuting mamamayang Kristyano ay dapat na makisangkot at makibahagi ang bawat isa sa mga nagaganap at mga usaping panlipunan tulad na lamang ng pagpapalit ng Konstitusyon ng Bansa bilang bahagi ng tungkulin ng bawat isa sa isang malaya at Demokratikong Bansa.