228 total views
Nagpaabot ng kanilang panalangin ang mga Obispo mula sa Visayas at Mindanao kaugnay sa panibagong bagyo na maaring tumama sa bansa partikular na sa mga lugar na unang nasalanta ng bagyong Urduja at Vinta.
Ipinagdarasal ni Ozamis Archbishop Martin Jumoad na hindi magdulot ng malaking pinsala ang panibagong bagyo at maging maayos ang pagdiriwang ng bawat isa sa bagong taon.
“Mag ampo kita sa Ginoo na unta ang bagyo nga kali abot dili unta muhatag ug dako nga katalagman, kinoon kini muagi lamang og makasinapi kita sa mga maayo na panahon. Atuang iyong Ginoo nga unta magpadala Siya sa mga instrumento, ingon bang pananglitan mga milagro aron kining makadaot nga dautang panahon dili kami maabot kana to, kita maghupot sa pagtuo kay kita sayod nga diha pagtuo daghan ang milagro na maitabo,” panalangin ni Archbishop Jumoad.
Hinikayat din ng Arsobispo ang lahat na manalangin para sa kaligtasan ng mamamayan.
Nagpahayag din ng panalangin si newly appointed Naval Biliran Bishop Rex Ramirez sa panibagong banta ng bagyo lalu’t naapektuhan din ang Biliran sa magkasunod na bagyong Urduja at Vinta.
Hinihiling ng Obispo sa Poong maykapal na maging ligtas ang bawat isa sa nakaambang panibagong kalamidad.
“Your blessings Father, never fail. And so we ask of You once again that you avert in Your powerful hands whatever calamity awaits us. We ask that Your blessing may stay with us. And that Your grace may provide us of peace and with strength and in this lenience, we ask that this end of the year that be the summary of all blessings for us all. So that we may begin it by giving You praise,” ang panalangin ni Bishop Ramirez.
Sa katatapos lamang na bagyong Urduja, sa Biliran lamang ay umabot sa 40 ang nasawi.
“We are being threatened by a typhoon supposedly to make a landfall in our country, on December 30 or 31, most probably it will hit Mindanao again. Lord we know that You love us, we also know that we had been remiss in our duty to love You and our neighbors specially the needy and we are sorry for all the mistakes that we have done and we trust in Your loving kindness, please Lord let peace [reign],” ayon naman sa panalangin ni Marbel Bishop Dinualdo Gutierrez.
Habang mahigit sa 100-tao ang nasawi sa bagyong Vinta at may 200 katao pa ang naiulat na nawawala kung saan partikular na naapektuhan ang Compostela Valley, Davao del Norte, Lanao del Norte, Lanao del Sur at Misamis Oriental.
Sinabi ng PAGASA na sakaling maging isang ganap na bagyo ang namataang low pressure area bago matapos ang 2017, ito ay tatawaging Wilma o Agaton naman sakaling pumasok sa unang araw ng Enero 2018.