15,101 total views
Nagpasalamat ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa patuloy na pagtitiwala ng mga Pilipino sa Hukbong Sandatahan ng Pilipinas.
Ayon kay AFP Chieft of Staff General Romeo Brawner, patuloy din ang pagpapatibay ng AFP sa mga inisyatibong titiyak sa kaligtasan ng mga Pilipino at mamamayani ang kapayapaan.
“Malaki ang tiwala ng mga kababayan natin sa ating sandatahang lakas, huwag nating hayaan na masira ang tiwalang ito,” ayon sa mensahe ni Brawner na ipinadala ng AFP Sa Radio Veritas.
Paalala pa ng Opisyal sa hanay na kaniyang pinamumunuan na ipagpatuloy ang pagseserbisyo upang mapangalagaan ang kapakanan ng mga Pilipino.
Ito ang mensahe ng pasasalamat ni Brawner kasunod ng pag-aaral ng OCTA Reasearch Group kung saan mayorya ng mga Pilipino o 86% ng populasyon ang nasisiyahan sa serbisyo na ibinibigay ng hukbong sandatahan.
“The result of the OCTA Research Fourth Quarter 2023 Tugon ng Masa Survey is an affirmation of the hard work and dedicated service of every soldier, airman, sailor, and marine in the performance of our mandate to the Filipino People,” ayon pa sa mensahe ni Brawner.
Sa pagsisimula ng 2024, unang tiniyak ni Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio ang pinaigting na pangangalaga sa espiritwal na pangangailangan ng mga kabilang sa hanay ng AFP