180 total views
Walang magiging problema sa inaasahang pagtanggap ng hanay ng mga pulis at militar sa bagong administrasyon.
Ito ang tiniyak ni Military Ordinariate of the Philippines Bishop Leopoldo Tumulak, Chairman ng CBCP -Episcopal Commission on Prison Pastoral Care.
Iginiit ni Bishop Tumulak na hindi nararapat kuwestiyunin ang katapatan ng mga pulis at militar sapagkat ang paglilingkod at pagprotekta sa bawat mamamayan ang pangunahin at tanging misyon ginagampanan ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police.
“Sa nakita ko wala talaga akong worry or concern about how the Military or Police (kung) anong gawin nila sa during this new administration. Nakita ko naman sa kanila na sila ay apolitical o non-political and nakita ko na in my 10 years with them, nakita ko ang kanilang professionalism at ang kanilang stability sa kanilang mga prinsipyo, ang kanilang mga policy ang nasa isip nila palagi ay will to protect and serve the people…” pahayag ni Tumulak, Prison Pastoral Care Chairman sa panayam sa Radio Veritas.
Una nang nanawagan ang obispo sa bagong administrasyon na bigyang pansin ang kapakanan ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas at Philippine National Police na nakahandang ibuwis ang kanilang buhay para sa kanilang sinumpaang tungkulin na protektahan ang mga mamamayan mula sa anumang banta sa lipunan.
Kaugnay nito, una nang ibinahagi ng kampo ni Presumptive President Rodrigo Duterte ang tatlong maaring hiraing bilang bagong PNP Chief na sina Chief Insp. Ramon Apolinario, Chief Insp. Ronald dela Rosa at Sr. Supt. Rene Aspera na kapwa nagsilbi bilang police chiefs ng Davao City.