563 total views
Binisita ng Augustinian Recollect missionaries ang Kanyang Kabanalan Francisco kasabay ng ika – 56 na General Chapter ng Order of Augustinian Recollects.
Ipinagkaloob ng mga misyonero sa Santo Papa ang replica image ng Nuestra Señora de la Salud (Our Lady of Health) bilang pasasalamat at pakikiisa sa misyon ng simbahan.
Mensahe ni Fr. Dionisio Selma, OAR kay Pope Francis ang patuloy na pananalangin sa punong pastol ng simbahan at ibinahagi ang kasaysayan ng imahe ng Mahal na Birhen na dinala sa Pilipinas noong 1634 at naghatid ng kagalingan sa naranasang pandemya noon.
“The image of Nuestra Señora de la Salud has brought healing to many Filipinos during the pandemic. We offer prayers for your work and leadership of our Church,” bahagi ng mensahe ni Fr. Selma.
Ito rin ay kaloob ng mga rekoleto bilang pasasalamat at handog sa ikalimang sentenaryo ng kristiyanismo sa Pilipinas kung saan patuloy na lumalago ang pananampalataya at debosyon ng mga Filipino.
Ang debosyon ng mga Filipino sa Nuestra Señora de la Salud ay nagsimula noong panahon ng Spanish Recollect missionaries sa Pilipinas.
Sa gitna ng naranasang pandemya bunsod ng COVID-19 marami ang humiling ng panalangin kagalingan sa tulong ng Mahal na Birhen ng Salud.
Sa pulong, hinimok ni Pope Francis ang mga Recoleto na patuloy na ihayag ang misyon ng Panginoon tulad ni San Jose na kumakalinga sa kawang inihabilin ng Diyos kabilang na ang pagiging foster father ni Jesus.
“Every priest is called, like Joseph, to have a “father’s heart”, that is, a restless heart that goes out of his way to love and care for his children and daughters who have been entrusted to him, especially the most fragile, those who suffer, those who have not had the experience of paternal love,” ayon pa ni Pope Francis.
Iginiit ng Santo Papa na nararapat tularan si San Jose sa pagmimisyon sapagkat isinakatuparan nito ang mga iniatang na gawain para sa sanlibutan.
Hamon ni Pope Francis sa mga misyonero ang patuloy na pakikilakbay ng simbahan o ang synodal journey upang ihanda ang mananampalataya at hubugin ang ispiritwalidad ng nasasakupang kawan.
“Let us prepare ourselves for what is going to happen, and let us give our charism, our gift to those who can carry it forward. Please do not mend the things that cannot be mended because a culture is imposed on us,” ani Pope Francis.