11,717 total views
Umaasa si Lipa Archbishop Gilbert Garcera na mapalaganap ng mga Catholic Communicators ang pananampalataya sa pamamagitan ng wastong paggamit ng Artificial Intelligence.
Ito ang mensahe ng Arsobispo sa unang araw at pagsisimula ng National Catholic Social Communications Convention (NCSCC) sa Lipa City Batangas sa pangangasiwa ng Catholic Bishops Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Social Communications (CBCP-ECSC) katuwang ang Archdiocese of Lipa.
Ayon sa arsobispo, nawa sa kabila ng pag-usbong ng mga hindi wastong paggamit ng Artificial Intelligence ay mahalagang maisulong ang paggamit nito upang mapalaganap ang pananampalataya.
“Napakahalaga na pag-usapan natin ang bagay na evangelization way, our way of proclaiming, our way of telling people that there is God. Ito’y mahalaga para sa atin ngayon na kahit may mga AI, kahit na may mga maraming mga pagkakataon at platforms of communication, there is only one communicator; the great Lord who is the word of the God, word of the Father. And the Lord is telling us I love you all,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Archbishop Garcera.
Ayon sa Arsobispo, katulad ni Hesus ay higit na abutin ng mga manggagawa ng Social Communications Ministry at Church Media ang mga mamamayan at mananamapalataya na may puso at pagkalinga.
Ito ay upang maipadama ang pagibig ng Panginoon sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan na kailanman ay hindi mapapantayan ng Artificial Intelligence.
“My dear communicators, be it AI, the use of social platforms, and other ways of communication, always create the culture encounter with persons. Jesus, the communicator for excellence, has given us the basic truth of reaching out to people with a heart. I bless you all as you begin this,” ayon pa sa pagninilay ni Bishop Garcera.
Paksa ng NSCC ang ‘AI: Authentic Influencer for an Empowered Church’ na layuning mapalalim ang kaalamn at kasanayan ng mga kalahok na kinatawan ng Social Communications ministry at Catholic media sa wastong pagggamit ng AI sa pagpapalaganap ng pananampalataya.
Magtatapos ang pagtitipon sa August 8, na nagsimula noong August 5.