20,943 total views
Pinalawak pa ng Caritas Philippines ang Alay Kapwa Expanded Program sa mga diyosesis sa Pilipinas.
Ito ay upang magkaroon ng sapat na pondo ang mga programa ng social arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa tumutugon sa pangangailangan ng mga nasasalanta ng bagyo, biktima ng malnutrisyon, scholars at pinakamahihirap.
Magkatuwang na inilunsad ng Caritas Philippines at Ilagan Diocesan Social Action Center sa pangunguna ni Bishop David William Antonio ang AKEP para sa mga mahihirap na mamamayan ng Diocese of Ilagan.
“Caritas Philippines’ Alay Kapwa Expanded Program Head, Fr. Tito Caluag, and Resource Mobilization Head, Ms. Analyn D. Julian, introduced the program to the Ilagan Clergy during their Assembly and to the DSAC Ilagan Resource Mobilization Team. The program aims to achieve sustainability through community support, replicate best practices across 86 dioceses, and establish a nationwide movement,” pahayag ng Caritas Philippines.
Sa programa, inaanyayahan ang mga mananampalataya na maging regular donors sa kanilang kinabibilangang diyosesis kung saan maari lamang magbahagi ng 42-piso kada buwan na katumbas ng 500-piso kada taon upang maging bahagi ng Alay Kapwa Extended Program.
Sa kasalukuyan, umaabot na sa 2,500 pamilya sa 60-magkakaibang diyosesis ang regular na beneficiary ng mga tulong na mula sa social arm ng CBCP.
Noong 2022, umaabot sa 500-milyong piso ang nailaang pondo ng Caritas Philippines sa lahat ng kanilang programa para sa mahihirap na Pilipino.